the happy ever after ending...
129 stories
My Sweet Surrender COMPLETED (Precious Hearts Romances - 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 117,081
  • WpVote
    Votes 2,326
  • WpPart
    Parts 11
"Akala ko, sa panaginip ko na lang uli mahahawakan ang kamay mo. Akala ko, kailangan ko nang matulog maghapon at magdamag para lang makita kita uli." Tuliro si Margaret. Bukod kasi sa ipinamanang sandamakmak na utang sa kanya ng ama niyang sabungero, inirereto pa siya ng madrasta niya sa isang amoy-lupang pinagkakautangan din nila. Wala siyang balak ipambayad ang sarili niya sa utang! Mabuti na lang at nakilala niya si Jedi-ang guwapong lalaking itinuro niyang boyfriend niya upang tantanan siya ng kanyang madrasta. Walang pag-aatubiling tinulungan siya nito. He was kind, lovable, and, oh, so caring. Hindi nakapagtatakang nahulog ang loob niya rito. Binale-wala niya ang kaalamang katulad ng kanyang ama, sabungero din si Jedi. Ngunit nang mas makilala pa niya ito, nag-alinlangan ang kanyang puso...
ALL I ASK OF YOU (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 88,873
  • WpVote
    Votes 1,472
  • WpPart
    Parts 11
"I love you like I find myself smiling every time I think of you and your silly antics." Isa lang ang naging pangarap ni Chelsea mula nang makilala niya ang perfect pitch at music genius na si Kristoff Miranda: Ang mahalin siya nito at pawiin ang lungkot sa berdeng mga mata nito, pati sa mga tugtuging nililikha nito. Kaya sinikap niyang mapalapit kay Kristoff sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Sa huli, si Kristoff din ang sumuko. Naging malapit sila at na-in love sa isa't isa. Pero ang katuparan pala ng pangarap ni Chelsea ay pagkasira ng pangarap ni Kristoff na sumikat sa buong mundo nang tanggihan nito ang scholarship offer sa abroad dahil ayaw raw nitong mapalayo sa kanya. Pero hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Walang maaaring humadlang kay Kristoff sa pagtupad ng pangarap nito, kahit na siya pa iyon!
A Stolen Kiss and A Love Charade (Published under PHR 2015) - COMPLETED by YaneyChinita
YaneyChinita
  • WpView
    Reads 125,716
  • WpVote
    Votes 2,663
  • WpPart
    Parts 12
A Stolen Kiss And A Love Charade (July 2015) by Yaney Matsumoto "Hindi mo kailangang magbago para sa sa 'kin, Curtis. Na-realize ko na hindi ko naman kailangan ng perfect boyfriend. Na walang standard, standard pagdating sa pag-ibig. Ang mas importante ay 'yong sigurado akong mahal ako at mahal ko rin." Hindi inasahan ni Katrina na tutulungan siya ni Curtis-member ng famous rock band, ubod ng guwapo, talented, at sobrang sikat-upang itaboy ang isang makulit na manliligaw. Nagpanggap itong boyfriend niya, ngunit may hinihingi itong kapalit. And then they were both involved in a kissing scandal. Ipinagkalat pa ni Curtis na girlfriend siya nito. Nagalit tuloy sa kanya ang legion of fans nito. And worst, they were calling her names! She was mad, of course, dahil wala naman iyong katotohanan. Ngunit nakiusap si Curtis na magpanggap siya bilang girlfriend nito. Maging ito pala ay may iniiwasang makulit na admirer. Kaya pumayag na rin siya. Oh, well, nagbabayad lang naman siya ng utang-na-loob. Iyon lang at wala nang ibang dahilan. Ngunit bakit gano'n na lang ang epekto ng mga ngiti, titig, at pasimpleng halik sa kanya ni Curtis? Bakit parang kinikilig siya? Posible kayang nahuhulog na ang loob niya sa lalaking mula pagkabata ay kinaiinisan na niya? PS: This is the raw and unedited version so pardon the typos and grammatical errors you may come across with. This story is connected to my first PHR novel Tatta Hitotsu No Koi (Shinji and Erika's story). So you gotta read that first if you want to be familiarized with the characters. Thank you for reading! ~Yaney
ROGUE (PREVIEW) by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 415,182
  • WpVote
    Votes 6,565
  • WpPart
    Parts 23
Sa ngalan ng datung, bes, go ka sa isang bahay na may mumu. Tapang at ganda lang ang armas mo. Kaya lang, parang nag-day off ang mga mumu. Ang nakasagupa mo, HOT INTRUDER na MAGNA--Magnanakaw ng kiss! Ano'ng gagawin mo? Sumbong o Pag-ibig? To VA readers: Ibinabalik ko sa Rogue! :)
Under Your Spell (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 80,405
  • WpVote
    Votes 1,818
  • WpPart
    Parts 11
Published under PHR
Here In My Heart (Modified Version) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 124,736
  • WpVote
    Votes 2,642
  • WpPart
    Parts 18
Published under PHR 2013
Maid in Heaven (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 129,842
  • WpVote
    Votes 924
  • WpPart
    Parts 4
Published under PHR
Love At Second Sight COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 125,841
  • WpVote
    Votes 2,289
  • WpPart
    Parts 11
Phr 4649 Published in 2013
The Heartbreaker's Match COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 126,888
  • WpVote
    Votes 2,666
  • WpPart
    Parts 11
Phr Book Imprint 3874 Published in 2011
For Better, For Worse, Till Death Do Us Part (Wedding Vows) by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 64,162
  • WpVote
    Votes 2,012
  • WpPart
    Parts 22
For Better, For Worse Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin sa kanya. "You are invading my privacy. Hindi na allowed ang guests sa lugar na ito." Parang dagundong ang boses na nagmula sa kanyang likuran. Napalunok si Annalor. Kahit na hindi lingunin ay hindi niya maipagkakamali sa iba ang boses na iyon. Buwan ang inabot mula nang huli niyang makita ang asawa. Bigla ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Ang nasa harap niya ay malayo sa Dave na nakilala noon. Hapis na hapis ang anyo nito. Ikinurap ni Annalor ang mga mata. Gaano man kalaki ang pagbabago sa anyo ng asawa ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya rito. At ganoon na lang ang pagpipigil niya para huwag itong abutin at yakapin nang mahigpit. "Dave..." Halos bulong na lang ang boses na lumabas sa lalamunan ni Annalor. Pero parang dinala iyon ng hangin sa pandinig nito. Seryoso itong tumingin sa kanya at saka nagtagis ang mga bagang. "Sino ka?" mariing tanong ni Dave. ----- Till Death Do Us Part Madalas sabihin ni Maris na hindi sila bagay ni Rommel. That they had nothing in common. Pero nang minsang mapagmasdan niya ang lalaki ay parang gusto na niyang kalimutan ang palaging sinasabi sa sarili. The man had class! And with Rommel, pakiramdam ni Maris ay parang naglaho ang lahat ng mga alalahanin niya sa buhay. Kaya kahit ilang beses na idinidikta ng kanyang isip na hindi sila bagay, ganoon din ang dami ng beses na itinatanggi iyon ng kanyang puso. And now she was having second thoughts...