jenniefics
RPW isang pekeng mundo maraming tao ang masayang nakikiisa dito isang pekeng mundo na takbuhan ng mga tao na pakiramdam nila Hindi sila mahalaga sa tunay na mundo.
dito sila nakaka kilala ng mga bagong kaibigan o minsan naman ay kai-bigan maraming nabuong istorya minsan masaya pero rin namang malungkot.
may umaasa at maraming paasa lalo na yong mga port na famous daming nag kakandarapa yong tipong wala pang isang oras 50+reacts na agad samantala yong iba 24hours na wala parin ni isa.
Pero Hindi nila alam noong Hindi pa masyado kilala ang pekeng mundong ito lahat kami ay nag kakaisa masayang sama sama sa isang grupo na matatawag mong pamilya.
may ama at ina may tiyo at tiya syempre may lolo at Lola at mga kapatid na maliligalig.
bago sumapit ang alasgis kaming lahat ay nag papaalam na walang pwedeng matira dahil kainan na may oras ang pag balik at oras na Hindi ka kumain malalagot ka Kay ama at ina.
tanda ko pa non ako ang bunso ng pamilya ako ang kinagigiliwan ng lahat ngunit nag kawatak watak kami ng dumating na ang mga bagong kasapi ng grupo na tinuturing ko ng pangalawang pamilya nag away away may nag babangayan at nag ka hiwalay si ama at ina naiwan akong nag iisa.
at dun nag simulang mag bago ang RPW.
ang aking kinagisnang mundo ay nag iba marami ng kaganapan ang nagbago pati narin ang ugali ng mga taong nandito.
nais ko sanang I kwento sainyo ang buhay ng isang role player sa pekeng mundo.
Started: July 21,2019
Thanks for adding My story into your reading list guys💜.