my PHR collections
21 stories
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 156,102
  • WpVote
    Votes 3,305
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinagsamahan ng dalawa. Para mapagbati niya ang mga ito, kakailanganin niya ang partisipasyon at kooperasyon ng nag-iisang anak ni Don Pepe-si Rei Arambulo, ang lalaking kaaway na niya since the dawn of her puberty. Simple lang ang plano niya. Magkukunwari sila ni Rei na may relasyon. Kapag nalaman ng kani-kanilang ama na magiging magbalae ang mga ito, imposibleng hindi mag-usap ang dalawa. Himala ng mga himala, pumayag si Rei sa plano niya. At kalamidad ng mga kalamidad, nag-uumpisa pa lang sila sa kanilang palabas ay nag-malfunction na ang puso niya- biglang tumibok para kay Rei. By the time na inia-announce na ang kanilang pekeng engagement, hindi na fake ang damdamin niyang walang katugon. It's just a broken heart. Broken hearts still beat. I'll live. Kaya?
Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 170,728
  • WpVote
    Votes 3,052
  • WpPart
    Parts 15
"Wala ka bang balak magpalit ng boyfriend, Lady Picachu?" Hindi na mapapalampas ni Hiromi ang latest na panggigipit sa kanya ng mga miyembro ng kakompetensiya sa negosyo-ang Bud Brothers. Kaya naman sumugod siya sa teritoryo ng kalaban na ang tanging dalang sandata ay ang kanyang katapangan. Ngunit hindi pala sapat ang tapang niya, dahil sa kamalasan, si Ed Lacson ang nakaengkuwentro niya. She had planned to look dignified and poised in front of the adversary, pero nang makita niya ang former male model, lumipad ang composure niya. At mukhang balak siyang i-seduce ng lalaki para mabili ng mga ito ang kompanya niya. He's not my type, wika niya sa sarili, ngunit kahit split-ends niya, hindi niya makumbinsi.
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,102,112
  • WpVote
    Votes 24,274
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Unforbidden COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 147,475
  • WpVote
    Votes 2,670
  • WpPart
    Parts 12
PHR 5498 Published In 2013 Unedited Version
THE STORY OF US 2: AZENITH & ZARDOU (published under PHR1847) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 99,555
  • WpVote
    Votes 2,048
  • WpPart
    Parts 10
Ang akala ni Azenith ay tahimik na ang mundo niya. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay maraming oportunidad ang kumatok sa pinto niya. Subalit nang makarating sa kanya ang balita na nasa Maynila rin si Zardou-- ang lalaking pinakaiiwasan niya -- ay naalarma siya. Hindi nito dapat malaman ang kanyang kinaroroonan. Mayaman ang lalaki at kayang-kaya nitong bawiin sa kanya ang lahat, maging ang kanyang dignidad. Pero nangyari ang kinatatakutan ni Azenith. Hindi sinasadya ay nagkrus ang kanilang mga landas. Natuklasan niyang hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang mahikang dulot ni Zardou sa tuwing matitigan siya nito. Ngunit sa estado nito ngayon, alam niyang hindi na maaaring dugtungan ang kanilang nakaraan...
THE STORY OF US 1: KATRINA AND AIDAN Published under PHR #1836 by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 97,446
  • WpVote
    Votes 2,012
  • WpPart
    Parts 10
Matagal nang pinanghihinaan ng loob si Katrina sa mga naririnig niya sa kanyang mga kaibigan tungkol sa estado ng relasyon niya kay Roldan-- ang boyfriend niyang nangibang- bansa. Kaya naman madali niyang natanggap nang malamang nakabalik na pala ito sa Pilipinas at nakatakda nang ikasal sa ibang babae. Isang gabi lang niyang iniyakan ang pagkabigo. Tahimik na siya. Pero parang hindi naniniwala roon ang fiancee ng ex-boyfriend niya. Akala yata nito ay may balak pa siyang agawin si Roldan o 'di kaya ay gumawa ng eskandalo sa araw ng kasal ng dalawa. Hanggang sa sumulpot ang isang guwapo ngunit makulit na lalaki na palaging nagpapapansin sa kanya. At sa hindi malamang dahilan, kahit kumukulo ang dugo niya rito ay hindi niya ito maiwasan. Kaya pala unti-unti nang nahuhulog niya rito. Pero bukod sa pagpapaibig sa kanya ay may iba pa pala itong misyon. Dahil si Aidan Lara-- ang lalaking bumulabog sa ibig-manahimik na mundo niya -- ay kapatid pala ng babaeng pakakasalan ng ex-boyfriend niya!
The Heartbreaker's Match COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 126,944
  • WpVote
    Votes 2,666
  • WpPart
    Parts 11
Phr Book Imprint 3874 Published in 2011
Diary Of A Heart Stealer COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 78,943
  • WpVote
    Votes 1,747
  • WpPart
    Parts 10
Phr Imprint 3805 Published In 2011
Over The Bakod Lang Ang Pag-ibig by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 77,340
  • WpVote
    Votes 2,205
  • WpPart
    Parts 9
Nakasanayan na ni Beverly ang mag-over the bakod sa kapitbahay para mag-swimming. Nasa kasarapan na siya ng paglalangoy nnag pag-ahon niya ay isang napakatikas at napakaguwapong lalaki ang nakita niya. Si Mitch. Ang bagong may-ari ng bahay. At masungit siyang sinisita nito at inaakusahan ng trespassing. Aba, malay niya, Hindi siya na-inform na iba na pala ang may-ari doon. Ang alam niya welcome siyang mag-swimming anytime. Pero napagtripan yata siyani Kupido. Kahit noong unang pagkikita nila ay halos isumpa siya nito, nito namang mga huling araw ay hindi niya malaman kung bakit gustong-gusto niyang ma-"sight" ang masungit niyang kapitbahay. Hmmm... puso na yata niya ang trespassing talaga.
Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 410,376
  • WpVote
    Votes 9,611
  • WpPart
    Parts 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, saka niya natuklasan ang katotohanan-na ibinenta pala siya ng kanyang kaibigan sa lalaking pagbibigyan niya ng sulat para maging asawa nito. Sa tindi ng galit, hindi nagawang i-appreciate ni Agripina ang kaguwapuhan ni Aristeo Cuevas III. Sukdulang magkatabi na sila sa higaan ay hindi pa rin niya magawang pansinin ang pagpapalipad-hangin ni Aristeo, gayong pareho nilang alam na kahit kailan ay wala pang babaeng tumanggi rito...