Ezzy1607
- Reads 230,220
- Votes 4,082
- Parts 39
Paano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas at bigyan ng alok na kayang baguhin ang takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo ba?
Hindi makapaniwala si Nia Rodriguez, simpleng estudyante at scholar, nang makatanggap siya at ang kanyang ama ng imbitasyon mula sa Pangulo. Ngunit higit siyang nabigla nang marinig ang tunay na dahilan: ipagkasundo siyang pakasalan ang unico hijo nito - si Tyrone Dela Torre, ang rebelde at aroganteng anak ng Presidente... na siya ring mortal niyang kaaway.
Ano ang mangyayari kung pagsamahin ang dalawang taong abot-langit ang galit at suklam sa isa't isa?
Matuto kaya silang tanggapin ang kapalarang pinag-isa na sila... o pipiliin nilang hanapin ang kalayaang ipinagkait sa kanila?