New books
3 stories
MY LOVELY BRIDE- DIDI  AND LIO by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 57,394
  • WpVote
    Votes 391
  • WpPart
    Parts 6
Kahihiwalay lang nina Didi at Lio. Hindi pa halos naghihilom ang sugat sa puso na iniwan ni Lio sa puso ni Didi nang malaman niyang si Lio ang kinuhang best man ng future brother-in-law niya. At dahil siya ang maid of honor ng Ate Greta niya, no choice siya kung hindi makasama at makasalamuha si Lio sa ayaw niya o sa gusto habang inihahanda ang kasal ng Ate Greta niya sa best friend ni Lio. Mula nang maghiwalay sila ni Lio ay ilang beses na rin naman silang nagkita dahil sa shared custody nila sa mga alaga nilang aso. At sa buong durasyon ng dalawang buwan mula nang maghiwalay sila ni Lio ay pilit niyang ipinalalabas sa lalaki na tanggap na tanggap na niya ang paghihiwalay nila kahit na isang malaking kasinungalingan lang iyon. Kahit na ang totoo ay masakit pa rin para sa kanya sa tuwing nakikita niya ang binata. Kaya paano niya palalabasin ngayon na balewala lang sa kanya ang makasama at makaharap ang dating nobyo? Kung sa bawat pagtatagpo nila habang inaayos ang kasal ng ate niya at ng best friend ni Lio ay ini-imagine niya na sila ni Lio ang nasa lugar ng dalawa? Ang problema, mukhang balewala naman ang lahat ng iyon para kay Lio.
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 77,362
  • WpVote
    Votes 1,745
  • WpPart
    Parts 10
Hindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko, she still felt the emptiness insider her. Nang masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na labis na ikinagalit ng mga magulang niya at sumira sa magandang imahe niya, pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lamang at nakilala niya si Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho sa isang photo shoot. Hindi niya inaasahan na dadamayan siya nito sa pinagdaraanan niya. Nangako pa ito na tutulungan siyang magtago sa media. Magulo na nga ang siutwasyon niya, tila Lalo pang pinagulo iyon nang makisali sa issue ang puso niyang tila unti-unting nabibihag ni Humphrey. At sadya nga yatang matigas ang ulo niya dahil binuksan niya ang kanyang puso sa isang bagong pag-ibig kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang damdamin niya para kay Humphrey.