RonaBacelonia's Reading List
181 stories
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 546,966
  • WpVote
    Votes 15,041
  • WpPart
    Parts 58
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,103,399
  • WpVote
    Votes 24,277
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 597,465
  • WpVote
    Votes 12,024
  • WpPart
    Parts 18
"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang an payat at matangkad na Emilio noon ay isang guwapong "hunk" na ngayon? Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon.
Books & Plane Tickets & Us by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 62,075
  • WpVote
    Votes 2,230
  • WpPart
    Parts 17
#Lifegoals ang nangyari kay Hera pagkatapos niyang manalo sa isang raffle draw. Isang buwang adventure sa Malaysia, Singapore South Korea, San Francisco, USA ang nasungkit niya sa raffle. Sagot niyon ang hotel accommodation at ang pocket money niya. Pero may isang heavy baggage sa biyahe ni Hera, ang Spanish-Filipino tour guide niya na may deep-set blue eyes, adorable dimples, at sexy stubble beard: si Ymas. Mukhang Indio si Hera kapag itintabi rito. Vain, Iyon ang perfect description kay Ymas. Akala mo stepmother ito ni Snow White kung manalamin. Napag-alaman ni Hera na ka-share niya si Ymas sa lahat ng hotel accommodations nila. "Would it really kill you to sleep with me?" asik ng lalaki. "Oo! Madamot ako at ayaw ko ng sharing." Pero habang tumatagal na nakakasama niya si Ymas, nahuhuli ni Hera ang sariling mga mata na naglalakabay sa Spanish Adonis nitong katawan. Anak ng tipaklong! Nabubuo ang magnet atraction sa pagitan nilang dalawa. Hindi nagtagal, nabunyag ang sikreto sa pagkatao ni Ymas. At may anti-feminist agenda pala ito kay Hera.
How to Forget Beautiful Memories? [PUBLISHED under PHR] by akihiro_sakimoto
akihiro_sakimoto
  • WpView
    Reads 47,297
  • WpVote
    Votes 842
  • WpPart
    Parts 12
Catchline: "Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mahal kita. Hindi rin ako nagbibiro nang halikan kita. Pasensiya ka na, hindi ko napigilan ang sarili ko." Teaser: Mula pagkabata ay lihim nang iniibig ni Feab ang childhood best friend niyang si Dyrus. Pero hanggang sa maghiwalay sila ay hindi niya nasabi rito na mahal na mahal niya ito. Nangako silang magsusulatan pero kahit isang sulat ay wala siyang natanggap mula rito. Ilang taon ang lumipas bago muling nagkrus ang kanilang mga landas. Nagpalit pa ito ng pangalan dahil ayaw raw nitong magpakilala sa kanya hangga't hindi nito napapatunayang hindi niya nakalimutan ito. Galit din daw ito sa kanya dahil hindi man lang niya sinagot ang kahit isa sa mga sulat nito sa kanya. Nagtaka siya. Paano nangyari iyon? Nang malaman nila ang dahilan ay saka nila inaming mahal nila ang isa't isa. Nakahanda na sana silang dugtungan ang kanilang nakaraan nang malaman nila ang isang nakagugulat na katotohanan na nakaambang tuluyang pumutol sa matamis na pagmamahalan nila. OSTs: "Moonlight Memories Of You" "Everything And More" (Songs by Billy Gilman) This was published under Precious Hearts Romances, January 26, 2010.
One-Week Date Project by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 66,212
  • WpVote
    Votes 2,004
  • WpPart
    Parts 20
Nang ma-"reject" ang romance novel ni Pia sa ikalimang pagkakataon ay nagdesisyon na siyang kausapin ang head editor ng publishing house na pinagsusulatan niya upang tanungin ito kung ano ang problema. He turned out to be the gorgeous France Buencamino, the guy she rejected back in college for being a playboy. Ayon dito, kulang daw sa romance ang mga nobela niya dahil hindi pa niya nararanasan ang ma-in love. He offered to help her out. "Date me for a week," anito. "It will give you a brief idea of what romance truly feels like." At tiyak daw na ang resulta niyon ay makakasulat na siya ng isang nobela na siguradong maa-approve. She thought it made sense so she accepted his offer But during their "dates," she started to fall for him. May pag-asa bang mauwi sa totohanan ang "romance" nila pagkatapos ng "one-week date" nila? At kung sakali, kaya ba niyang i-reject uli ito kapag napatunayan niyang hindi pa rin ito nagbabago sa pagiging palikero nito?
When Anne Meets West Again (ebook under PHR) by sillycee
sillycee
  • WpView
    Reads 47,242
  • WpVote
    Votes 778
  • WpPart
    Parts 14
(RAW/UNEDITED) released in digital form by Precious Hearts Romances Bilang isang matagumpay na accessory designer sa bansa, wala nang mahihiling pa ang isang tulad ni Anne Natalie kundi ang makawala sa mga alaala ng isang lumang pag-ibig. At ngayon kung kailan handa na siyang umibig muli ay tsaka magbibiro ang tadhana - muli silang pagtatagpuin ng kanyang nakaraan, si West. Pilitin man ang sarili, hindi matanggap ni Anne na may iba nang mahal ang dating kasintahan. Wala na dapat siyang pakialam rito pero sa tuwing tinititigan siya ng magaganda nitong mga mata at muling matikman ang matamis nitong mga halik ay bumabalik sa kanya ang lahat. Sa kanya lamang dapat ang mga titig at ang mga halik nito at hindi siya papayag na maangkin ito ng iba. Sa ngalan ng pag-ibig, gagawin niya ang lahat para makuhang muli ang pag-ibig ni West, kahit pa nga ang kapalit nito ay ang makasakit ng iba...
The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited) by BabyLouParksPhr
BabyLouParksPhr
  • WpView
    Reads 69,573
  • WpVote
    Votes 1,148
  • WpPart
    Parts 12
Naniniwala ba kayo sa sumpa? Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kuwento ng anim na dalagang naisumpa ng matanda nang guluhin nila ang kasal ng may kasal. At ang paghahanap nila ng mapapangasawa bago sumapit ang Supermoon para pangontra sa sumpa sa kanila.
Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara Cee by sillycee
sillycee
  • WpView
    Reads 27,432
  • WpVote
    Votes 661
  • WpPart
    Parts 12
released under PHR Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (5906) by Tamara Cee COPYRIGHT © 2016 by Precious Pages Corporation Ang cute na kuwento nina Tasha at Red ay ang pangalawang libro ko (Tamara Cee) na nailathala ng Precious Hearts Romances nong February 24, 2016. Into po ay ang 'raw' manuscript at maaring may mga Pagbabago sa naimprenta'ng libro. Enjoy reading!
Reservation to your Heart (PHR 6039) by Tamara Cee COMPLETE by sillycee
sillycee
  • WpView
    Reads 64,546
  • WpVote
    Votes 1,183
  • WpPart
    Parts 13
NOW AVAILABLE under Precious Hearts Romances Ang love story nina Paige at Glenn ay ang pangatlong libro ko (Tamara Cee) na inilathala ng PHR (Precious Heart Romances) sa tao'ng ito. Ito po ay bahagi lamang ng 'raw' manuscript at maaring may mga pagbabago sa maiiprenta'ng libro. Enjoy Reading! Sana po suportahan ninyo kapag lumabas na siya sa mga bookstores! Maraming salamat po!