blitzkreig110's Reading List
200 stories
The guardians of elements (COMPLETE) by LanderMilesDellomes
LanderMilesDellomes
  • WpView
    Reads 666,819
  • WpVote
    Votes 19,151
  • WpPart
    Parts 48
May isang normal na babae na di nya alam na isa pala syang kasapi sa apat na royal elements. Lander ---> Fire Tadase ---> Air Nadishko ---> Water Kukai ---> Earth Sana bumasa kau maganda to.
The Last Intruder (Legend of the Stars #1) by kimsyzygy
kimsyzygy
  • WpView
    Reads 68,467
  • WpVote
    Votes 2,415
  • WpPart
    Parts 49
Legend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek for peace. When the unravels of the past results to destruction. All are upon the incoming of the last intruder. Her. The end of wars will be through her very existence, but this was only the start. For the time in Astraea has only come for the chase and battles towards the throne, the claiming of crowns, the rivalry between creatures, the destruction of Kingdoms, and the seizing of powers. For someone who's powerless that found herself in the middle of a war that has been raging for centuries, will she find a way to live? Or will she choose to remain less until the very end? Will she fight knowing that there's this Prince whom has seen her not as an intruder in his world, but as a girl who intruded in his heart? Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish
FALLEN OF OLYMPUS: Rise Of Demigods by TheLastDemonLord
TheLastDemonLord
  • WpView
    Reads 1,331
  • WpVote
    Votes 41
  • WpPart
    Parts 13
Sa mundong ating ginagawalan, may mga bagay na hindi natin namamalayan. Mga bagay na akala natin hindi totoo pero totoo pala. Mga bagay-bagay na hindi natin mauunawaan ng ating isipan. Mga demigods, anak ng mga dyos at dyosa sa mga tao. Mga tao na may kakayahang gawin ang kakayahang gawin ng ibang mga dyosa at dyosa. Matagal na panahon na din ang lumipas, nakalimutan na ng kasaysayan ang mga tanyag na demigods na tumulong upang maisaayos ang gulo sa mundo. Sina Alchilles, Hercules, Hellen, Orpheus at iba pa. Ngunit sa panahon ngayon, may mga bagong demigods ang nabuhay sa kasaysayan, sila ay lalaban upang makalaya sa isang napakalaking sakuna na darating sa kanilang buhay.
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED) by xeanxavix
xeanxavix
  • WpView
    Reads 26,517
  • WpVote
    Votes 641
  • WpPart
    Parts 58
Dean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buhay niya, pinaniwalaan ni Dean na namatay sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang. Ngunit nang makabalik siya sa mundong kinabibilangan niya, napagtanto nitong pinatay pala ang kaniyang ama't ina ng isa sa pinakamasamang elemental sa mundo ng Elementus, ang Dark One--na matagal nang napaslang sa Ikaunang Digmaang Elemental. Lingid sa kaalaman ni Dean, sa oras na siya'y makabalik sa Elementus, ay siya ring umpisa ng maiitim na pangitain, mga pagbabanta, at mensaheng mula sa Dark One. Na kailangan nitong hanapin ang Elemental Seeds of Eternity, upang manumbalik muli ang kaniyang kapangyarihan, kung ayaw niyang may mamatay na malapit sa kaniya. Subalit walang naniniwala sa kaniyang mga sinasabi sapagkat matagal nang wala ang Dark One sa mundo at isa lamang kuwentong pambata ang Elemental Seeds of Eternity. Hanggang dumating ang araw na madiskubre ni Dean, kasama ng lima pa nitong mga kaibigan, ang isang katotohanang bumabalot sa mundo ng Elementus. Na hindi lamang piksyon ang Elemental Seeds of Eternity at nabubuhay talaga ang mga makapangyarihang dyamante sa kanilang mundo. Subalit ano ang gagawin ni Dean kung binigyan siya ng Dark One ng kundisyong ibabalik sa kaniya ang mga makakapangyarihang buto, kapalit ng kaniyang mga magulang? Ngunit paano kung mapag-alaman rin nitong ang kapalit ng paghahanap ng mga dyamante ay ang buhay nilang anim na magkakaibigan? title: Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity writer: @prince_of_fantasy genre: 70% Fantasy | 8% Romance | 22% Action chapters: 55 Chapters word count: 212,000+ season: One status: COMPLETED MAHABA PO ANG KUWENTO. HUWAG NIYONG ASAHAN 'YANG WALONG PORSYENTO NG ROMANCE. MAGHANDA SA TWIST NG ENDING.
ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Book 3) (Complete) by angelodc035
angelodc035
  • WpView
    Reads 16,561
  • WpVote
    Votes 920
  • WpPart
    Parts 65
Do you have the guts to play their games in a world ruled by powerful gods? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odessa ang kanyang tungkulin bilang tagapagganap sa propesiya upang pigilan ang unti-unting paglupig ng mga anak ng buwan sa Sanlibutan. Ngunit may mas hihigit pa pala sa inaakala niya ang kinahaharap na problema sa Sanlibutan, ito ang pagkawala ng balanse ng tatlong mundo dahil sa pagkawala ni Bathala. Sa pagbabalik niya sa Sinukluban ay kakaharapin niya ang pinakamatinding pagsubok sa kanyang buhay. Nakasalalay sa kanyang mga kamay ang kaligtasan ng buong Sanlibutan, dahil magiging hamon sa kanya ang mga nalalabing oras para magawa niyang pigilan ang mga anak ng buwan at ang tuluyang pagkasira ng mundo. Kaya bang makipagsabayan ni Odessa sa mga diyos at diyosa ng Sanlibutan sa kanilang laro para sa katapusan ng mga tao sa mundo? O baka sa huli ay hindi siya ang magwawagi at mauuwi lahat sa wala dahil kamatayan ang kasasadlakan ng isang talunan? Sino ang tunay niyang kakampi para magawa ang kanyang tungkulin? Sino dapat ang kanyang pagkakatiwalaan upang masiguro ang kanyang tagumpay?
Legacy Of Immortal Gods [Vol:1] - Inflicted Hardship by greinder03
greinder03
  • WpView
    Reads 19,024
  • WpVote
    Votes 1,394
  • WpPart
    Parts 49
💭Synopsis‼️ [Ang Legasiya ng mga Diyos.] Sa mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang nilalang na siyang mga demonyo, adventurer, at iba pang mga nilalang na may mahika ay siyang nangangarap na maging diyos, Marami ang naglalabanan-laban para makamit ang isang marka-isang simbolo ng biyaya o kapangyarihan na magdadala sa kanila sa tuktok ng pinakamalakas. Kung saan kabilang sa kanila ang ating bida na si Nexus Skyler, isang batang lalaki na labing-apat na taong gulang. Isang binatilyong walang kamalay-malay sa mga nangyayare sa kan'yang kapaligiran. Ngunit agad na nabago ang pananaw, dahil sa hindi inaasahang pangyayare na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng pananaw na maging mas malakas. Gagawin din kaya niya ang ginagawa ng iba-ang abutin ang tuktok ng pagka-diyos? lalo't isa siya sa nabiyayaan ng marka, o kaya naman ay isusuko nalang niya ito dahil sa wala siyang interes na maging diyos? Halika't subaybayan ang k'wento ng ating bida na si nexus skyler kung saan sisimulan niya ang napakamapanganib na takbo ng estorya ng kan'yang buhay. Start: Jan 4, 2025 End:
Olin in Kahadras [Vol. 1: Advent of the Bearer] by thefakeprotagonist
thefakeprotagonist
  • WpView
    Reads 6,814
  • WpVote
    Votes 298
  • WpPart
    Parts 36
[FINISHED] Categories : Mythological Fantasy • Isekai • Adventure • Action Normal lang ang buhay ni Olin Manayaga sa Cebu, o iyon ang inaakala niya. Ito'y nabulabog no'ng hinabol siya ng isang nilalang na kawangis ng butiki at may pakpak na katulad ng paniki. Sa kabutihang-palad, sumaklolo sa kanya ang isang salamangkero; pinatalon siya sa asul na tubig at dinala siya sa harapan ng kagubatang may sakit. Siya'y napadpad sa "Kahadras," ang katakot-katakot na mundong nilikha ni Kaptan para sa ibang mortal, mga diyos at diyosa ng Kabisayaan, at mga kakatwang nilalang na akala ng lahat ay pawang kathang-isip lamang. Ang kanyang misyon ay hanapin ang bulaklak na may samot-saring kulay ang talulot na makagagamot sa karamdaman ng prinsipe ng Melyar. Hindi lang niya inaasahan na sa kanilang pakikipagsapalaran, iba ang madidiskubre niya: hindi siya ang bida sa sarili niyang istorya. 🖇️ First Published: May 19, 2022 🖇️ Completed Date: August 11, 2022 🖇️ Word Count: 65,000 - 70,000 Cover designed by Lune Aesthete on Facebook 🌟 Featured on WattpadFantasyPH's "Mythological Fantasy" Reading List in 2022 🌟 Added to WattpadFantasyPH's "Mythology & Folklore" Reading List (May 2025)
Ang Mahiwagang Lihim by NexStoriesOfficial
NexStoriesOfficial
  • WpView
    Reads 8,780
  • WpVote
    Votes 583
  • WpPart
    Parts 95
🔥Isang Kwento sa Mundo ng Nexmythos. 📜Bago pa isinilang ang Dakilang Anak , bago pa narinig ang unang tibok ng puso ng tao, may lihim nang itinago sa pagitan ng liwanag ng mga bituin at ng kadiliman. Isang lihim na hindi isinulat sa aklat ng panahon, kundi sa mismong hibla ng kaluluwa ng sansinukob. Isang lihim na hindi nilikha, kundi itinadhana upang maibalik muli sa balanse ang sansinukob sa napipintong pagkagunaw. Mula sa alon ng walang hanggang dilim, bumangon ang Tatlong Haligi ng Kadakilaan: Ang Espiritu, Ang Di-Matitinag na Kalooban at ang Likas na Lakas. Ngunit sa gitna ng kanilang pagkakaisa, may isa sa kanila ang lumihis ng landas dahil sa kasakiman... at tinawag ang sarili niyang diyos. Doon nagsimulang mabiyak ang langit. Ang mga tala'y nagdugo. Ang oras ay tumigil. At ang tinig ng liwanag ay tumahimik. Isang mahiwagang selyo ang inilimbag sa puso ng sangkalawakan, selyong walang sinumang mortal ang maaaring bumasa, maliban sa Isa. Isang nilalang na hindi lang isinilang, kundi ibinagsak sa daigdig. Isang nilalang na tila hamak na tao... Ngunit taglay ang kapangyarihang kayang gisingin ang mga patay na alamat at tapusin kahit pa ang pinakamakapangyarihang kasamaan. Ang mahiwagang lihim ay hindi hinahanap. Ito'y kusa lamang nagbubunyag... sa piling ng mga pusong handang masira upang buuin muli ang dakilang pag-ibig ng sansinukob. At sa pag-ikot ng mga bituin, at sa paghuni ng mga pangitain... Isinilang siya. Ang pangalan niya ay... hindi pa isinusulat sa kasaysayan. Ngunit malapit na. Dahil ang dilim ay patuloy na naglalakbay, at ang liwanag ay muling magtatanong: "Handa ka na bang tuklasin ang mahiwagang lihim?" 📖 Huwag palampasin ang bawat kabanata ng kwentong hindi mo malilimutan! #NexStoriesOfficial #NexMythos #NexMythosGenre #NexJavar #AngMahiwagangLihim #HariNgPulubi #PinoyStories #WattpadPH #FantasySeries #ActionAdventure #DarkFantasy #Romance #Mystery #HorrorFanatic #Underground #SecretPower #Mysterythriller #Fantasy #BattleOf
Kasangga: Ang Pagtuklas by yueazhmarhia
yueazhmarhia
  • WpView
    Reads 6,602
  • WpVote
    Votes 441
  • WpPart
    Parts 82
"Ang ating mundo ang maituturing na isang malawak na hardin ng karunungan. Magmula sa maunlad na paniniwala ng ating mga ninuno hanggang sa mayabong na likas nating yaman. Subalit, sa kabila ng kagandahan nito ay may mga pwersang pilit na nagkukubli sa likod ng nakakabulag na kadiliman." Iyon ang madalas na marinig ni Milo sa kaniyang Lolo habang siya ay dahan-dahang lumalaki at nagkakaisip. Ngunit sa kabila ng natatanging kaalaman at lakas ng kaniyang Lolo Ador ay lumaking isang duwag si Milo. Kahit mumunting kaluskos sa mga talahib ay agad na siyang nahihintakutan. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Lolo Ador na isara ang ikatlo niyang kamalayan. Subalit isang pangyayari ang muling magbabalik ng kaniyang ikatlong mata. Isang pangyayaring magbabago sa ikot ng kaniyang buhay at isang pangyayaring muling magtatali sa kaniya sa hiwaga ng mundo at sa mga elementong nakapalibot dito. Matagpuan kaya ni Milo ang kaniyang sarili? Mapagtagumpayan kaya niyang kalabanin ang takot na nananaig sa kaniyang puso? Yayakapin kaya niya ang misyong matagal nang nakaatang sa balikat niya? O tatalikuran niya ito at mananatili na lamang sa buhay na nakagisnan niya?
Magia Academy:The Next Celestial Mage by DimmerDumber20
DimmerDumber20
  • WpView
    Reads 271,961
  • WpVote
    Votes 14,100
  • WpPart
    Parts 80
A prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang tao,meron siyang normal na buhay (caring mother and a good father)hanggang sa unti unti itong nagbago ng dahil sa isang pangyayari. Pagsapit ng kanyang ikalabim-walong kaarawan ay napukaw ang kanyang nakatagong kapangyarihan sa kaloob looban ng katawan niya at sa araw rin na iyon ay nagsimula nang magbago ang kaniyang tadhana.Nakatanggap siya ng kapangyarihan na naiiba sa lahat,hindi lang isa,hindi lang dalawa kundi tatlong uri ng kapangyarihan ang nasa loob niya. Isang Necromancer,Isang Summoner,Pero ano nga ba ang isa? Inimbitahan siyang pumasok sa Magia Academy ang pinamalaking paaralan ng mga Celesters sa mundo ng Celestial.Makakapasok kaya siya? Isang pangyayari ang hindi inaasahan ng siya ay nasa bingit ng kamatayan, may sumagip sa kanya na isang lalake, Sinalba siya ni isang poging prince charming. Siya na nga ba ang ka forever ng ating echoserang bida?o siya ba ang kontrabida sa storya? Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa Mundo ng Celestial? Tunghayan natin ang kwento ng ating echoserang bakla....