Valezkin
Akala ko noon mawawala din to, masaya naman kasi ako sa kung anong meron tayo. Kuntento na ako sa pagtanaw ko sayo mula sa malayo, bibigyan ka ng advice pag hindi mo na alam gagawin mo at sa pagbibigay ko ng buong suporta sayo sa mga hindi mo akalaing magagawa mo.
Pero habang tumatagal, lumalalim na rin ang nararamdaman ko para sayo. Hindi nalang pala kita mahal bilang kaibigan, mahal na kita bilang ikaw.
Hanggang kailan ko ba ikukulong ang sarili ko sa ganitong sitwasyon? Ano kayang magbabago pag sinabi ko sayo na... Minamahal na kita sa loob ng mahabang panahon...