goldenarmy12
Mabilis kong tinahak ang madilim na daan,
Mabilis na pinaharurot ang aking sasakyan
Hindi inaalintala ang lakas ng ulan,
Nasa isip, kailangan ko siyang puntahan
Sa mata man ng lahat ito'y kasalanan,
Sino ba sila para tayo'y husgahan?
Magsisimula sa hangganan,
Kailan ma'y panghahawakan ang sumpaan.