Action series books
17 historias
Loving The Mobster Princess por margarette_ace
Loving The Mobster Princess
margarette_ace
  • LECTURAS 52,940
  • Votos 1,558
  • Partes 22
Nicolette is not an ordinary girl. Lumaki at nagkaisip siya na pagtuntong niya sa edad na beinte ay siya na ang papalit sa posisyon ng lolo niya bilang leader ng isang underground organization na Black Lotus. Tatlong buwan na lang ang natitira bago sumapit ang nalalapit niyang kaarawan. Nakahanda na siya sa mabigat na responsibilidad na kaakibat ng posisyong iyon pero mukhang may ibang balak sa kanya ang tadhana. One fateful night she saw the man of her dreams. Dahil likas na mahilig sa fairytales ay hindi niya napigilang pagmasdan ang lalaki mula sa malayo. Unang kita pa lang niya dito habang ipinagtatanggol nito ang isang babae ay nakuha na nito ang atensiyon niya. He was like a knight in shining armor ready to slay the dragon just to save the princess. Ipinahanap niya ang lalaki na nalaman niyang Clarence ang pangalan. Ginawa niya ang lahat para mapalapit kay Clarence to the point ng pinakiusapan pa niya ang abuelo na i-transfer siya sa St. Rudolph University kung saan nag-aaral ang binata. Hindi niya ito tinitigilan kahit na laging tablado ang kagandahan niya sa kasungitan nito. Kung kailan naman nawawalan na siya ng pag-asa ay tsaka naman nagbago ang ihip ng hangin. Parang ngumiti ang langit sa kanya ng unti-unti nang lumambot ang puso ni Clarence sa kanya. And just when she thought that everything were right on place, her past came to hunt her. Muntik pang mapahamak si Clarence dahil sa kanya. May pag-asa pa kayang magkaroon ng happy ending ang istorya nila ni Clarence, kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila? At matanggap kaya siya nito kapag nalaman nito ang tungkol sa pagkatao niya?
Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances) por margarette_ace
Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)
margarette_ace
  • LECTURAS 94,947
  • Votos 2,359
  • Partes 24
Marami ang nagsasabi na napakasuwerte ni Katrina Navarro. Bukod sa nanggaling sa mayamang pamilya at isang matagumpay na negosyante, nagtataglay din siya ng malaanghel na mukha. Pero sa kabula ng lahat ng iyon, may isang madilim na sekreto na bumabalot sa kanyang pagkatao: miyembro ang pamilya niya ng isang underground organization - ang Black Lotus. Pinalaki siya ng kanyang papa na walang puso. Hindi nakakaramdam ng awa. Lumaki siyang sumusunod sa anumang sabihin ng ama. Pero nagbagi ang takbo ng buhay ni Katrina nang makilala si Travis. Ipinaramdam nito sa kanya kung paano mabuhay nang normal. Kung paano maging masaya sa simpleng bagay. Kung paano magmahal. Pero alam ni Katrina na panandalian lang ang kaligayahang iyon. Dahil siguradong hindi matatanggap ni Travis ang tunay niyang pagkatao. At hindi rin matatanggap ng kanyang ama kapag nalaman nito ang tungkol sa binata. Ayaw niyang mawala si Travis sa kanya. Pero wala siyang pagpipilian. Siguradong malalagay lang sa panganib ang buhay ni Travis dahil sa kanya...
Keith, The Heart Thief (Published under Precious Hearts Romances)  por margarette_ace
Keith, The Heart Thief (Published under Precious Hearts Romances)
margarette_ace
  • LECTURAS 119,350
  • Votos 2,506
  • Partes 12
Unofficial Teaser. :) Sa mundong ginagalawan ni Keith dela Vega, lahat ay may katumbas na presyo. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit tinaggihan ni Carla ang alok niyang pera kapalit ng isang gabi kasama ito. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay napukaw na nito ang interes niya. She had a face of an angel and a body that is made for sin. Kahit na ilang beses siya nitong tanggihan ay nakikita pa din niya ang sarili na nilalapitan ito. Nakakita siya ng pagkakataong makasama ang dalaga nang bayaran niya ang pagkakautang ng mga ito kapalit nang pananatili nito sa tabi niya hanggang kailanganin niya ito. Sa mga araw na magkasama sila ng dalaga ay ipinaramdam nito sa kanya ang mga emosyong hindi pa niya nararanasan. Paano kung malaman nito ang tungkol sa kaugnayan niya sa isang underground organization na Black Lotus? Magawa kaya siya nitong mahalin kapag nalaman nito ang tungkol sa tunay niyang pagkatao?
Xavier, The Dark Prince (Published Under Precious Hearts Romances) por margarette_ace
Xavier, The Dark Prince (Published Under Precious Hearts Romances)
margarette_ace
  • LECTURAS 113,784
  • Votos 2,626
  • Partes 13
Hindi naging hadlang kina Jane at Terrence ang katayuan nila sa buhay para mahalin nila ang isa't isa. Siya ang prinsesa ng Hacienda Velez habang ito naman ay isa sa mga trabahador nila. Pinanatili nilang lihim ang relasyon dahil paniguradong hindi iyon magugustuhan ng kanyang ama. Pero wala nga yatang sikreto na hindi nabubunyag. Nalaman ng papa niya ang tungkol sa relasyon nila ni Terrence, and that same night, he died. Lumipas ang mga taon na nananatiling nasa puso ni Jane ang mga alaala ni kasintahan. Umaasa pa din siya na buhay ito at tutuparin nit ang pangako sa kanya na babalik ito. Then she met Xavier del Rio, isang kilalang businessman. Taglay nito ang mukha ni Terrence pero hanggang doon na lang ang pagkakapareho ng dalawa. Sinisimulan din nitong gisingin ang mga damdamin at emosyon na inakala niyang matagal na niyang nakalimutan. Nagsimula na ding manganib ang buhay niya noong makilala niya si Xavier. May isang bahagi ng isip niya ang nagsasabing dapat na niya itong iwasan dahil mapapahamak lang siya. Lalo na noong malaman niya ang tungkol sa tunay na pagkatao nito at ang koneksyon nito sa isang underground organization na Black Lotus. Pero imbes na layuan ito ay nakikita niya ang sarili na handang isakripisiyo ang sariling kaligtasan para lang makasama ito. Ngunit bakit sa tuwing nakikita niya ito ay may munting tinig sa puso niya ang nagsasabing si Terrence at Xavier ay iisa?
Benedict, The Gray-Eyed Hero (Completed) por margarette_ace
Benedict, The Gray-Eyed Hero (Completed)
margarette_ace
  • LECTURAS 72,795
  • Votos 2,379
  • Partes 15
Ang buong akala ni Sarah ay tuluyan na niyang natakasan ang nakaraan niya. Pero nagkamali siya. Dahil kahit anong pagbabago ang gawin niya sa sarili ay nahanap pa din siya ng mga taong pumatay sa ama niya. nang manganib ang buhay niya ay napilitan siyang tanggapin ang alok ni Keith dela Vega na magkaroon ng bodyguard. Pero gusto niyang bawiin ang naging desisyon nang malamang si Benedict pala ang magiging bodyguard niya. at ang mas ikinaloka pa niya ay kailangan nilang magpanggap na may relasyon. Hindi niya napaghandaan ang magiging epekto sa kanya ng pagpapanggap nila. Dahil sa bawat salita at sulyap na ibinibigay nito sa kanya ay hindi niya napigilan ang sarili na mahulog ang loob dito. Pinilit niyang labanan ang atraksiyong nararamdaman sa binata pero mukhang natalo siya ng puso niya. Pero isang pagkakamali ang naging dahilan para lumayo ang loob sa kanya ng binata. Ano ang gagawin niya para kausapin ulit siya ni Benedict? At may katugon ba ang nararamdaman niya para sa binata?
My Love, My Hero: Cole (Published under Precious Hearts Romances)  por margarette_ace
My Love, My Hero: Cole (Published under Precious Hearts Romances)
margarette_ace
  • LECTURAS 87,601
  • Votos 2,032
  • Partes 14
Taong bato at manhid. Ganyan ilarawan ni Nessie si Cole, ang head security ng kapatid niya. Asar siya sa binata dahil ito lang ang bukod-tanging lalaki na um-snob sa kagandahan niya at bumasted sa kanya noong nineteen siya. Pero dahil sa isang stalker ay napilitan silang pakisamahan ang isa't isa dahil ito ang naatasan ng ama niya para maging bodyguard niya. Hindi niya naihanda ang sarili sa muling pag-usbong ng nararamdaman niya sa binata habang kasama niya ito. Naging superhero ito sa paningin niya lalo na sa mga panahong nililigtas siya nito kapag nasa panganib siya. Nararamdaman niyang may katugon ang pagkagusto niya sa binata at kailangan lang nito ng kaunting pag-uudyok. Pero kaya ba niyang makipagkumpitensiya sa puso ni Cole gayong ang kalaban niya ay ang ala-ala ng babaeng pinakakamahal nito?
Harry, The Villain por margarette_ace
Harry, The Villain
margarette_ace
  • LECTURAS 38,682
  • Votos 1,417
  • Partes 15
He destroys. She saves. He is cold as night. She's warm like the sun. He got so many secrets. She wanted to know everything. He pushes. She pulls. Harry knew Roevi was trouble the very first time their eyes met. Limang taon na siyang tahimik na namumuhay sa Catamlangan para pagbayaran ang mga kasalanang ginawa niya. He intended to live that way when the pretty doctor came storming into his life. Sinubukan niya itong iwasan at itulak palayo pero hindi siya nagtagumpay dahil hindi nito pinapansin ang pagsusungit niya. Kung kailan naman napapalapit na siya dito ay tsaka naman niya narealize kung bakit kailangan niya itong layuan. Because he is a monster and he would only ruin her. Pero hindi sumuko si Roevi kahit ilang beses na niya itong tinataboy. At alam na din ng dalaga kung sino talaga siya. Possible bang maging masaya din siya sa lahat ng kasalanang ginawa niya? At matatanggap ba ni Roevi ang tungkol sa nakaraan niyang pilit niyang itinatago?
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER por margarette_ace
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
margarette_ace
  • LECTURAS 21,781
  • Votos 1,088
  • Partes 20
Isa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nananahimik niyang buhay. Ipinaramdam nito sa kanya ang mga emosyong hindi niya maipaliwanag. Sinubukan niya itong iwasan pero hindi ito sumusuko. Alam ni Zai na kailangan niyang gumawa ng paraan para layuan siya ni Claud, dahil hindi niya alam kung makakaya niyang harapin ang galit nito kapag nalaman nito ang sikreto niya.
VIGILANTES BOOK 1: Archer (The Leader) por margarette_ace
VIGILANTES BOOK 1: Archer (The Leader)
margarette_ace
  • LECTURAS 16,957
  • Votos 752
  • Partes 12
Archer Dominguez is the type of man who plans everything before taking action. Bilang leader ng grupong VIGILANTES ay kailangan niyang siguraduhin na plantsado ang lahat ng bagay. Dahil isang maling galaw lang ay hindi lang siya ang puwedeng mapahamak kundi pati na ang mga kasama niya. Isang misyon ang naging dahilan kaya sa unang pagkakataon ay naging impulsive si Archer. Nagprisinta siyang lapitan si Roxanne Fei-ang ex-girlfriend ng isa sa mga target nila para kumuha ng impormasyon. May hinala ang mga kasamahan niya na may alam si Fei sa ilegal na gawain ang ex-boyfriend nito. Hindi inaasahan ni Archer na sa bawat pagkakataon na kasama niya ang dalaga ay nakalimutan niya ang misyon. Nakilala niya nang lubusan si Fei at nahulog ang loob niya rito. At sa tuwa niya ay parang may katugon ang nararamdaman niya sa dalaga. He wanted to be with her a little more longer. Pero paano niya iyon magagawa kung isang sikreto mula sa nakaraan niya ang nagbabantang sumira sa kanilang dalawa?
The Jerk & His MAID ( Completed ) por Loovybelle
The Jerk & His MAID ( Completed )
Loovybelle
  • LECTURAS 282,403
  • Votos 9,771
  • Partes 44
A girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE. COMMENT and FOLLOW. - Language: Taglish Genre: Action/Romance --- The Jerk & His MAID Written by Loovybelle