PHR Completed
14 stories
Braveheart Series 3 Chino Villareal Helpless Romantic COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 102,778
  • WpVote
    Votes 2,383
  • WpPart
    Parts 11
Phr Imprint Published in 2006
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,101,538
  • WpVote
    Votes 24,271
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Braveheart 19 Salvador Ibarra (Savior's Quest) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 65,048
  • WpVote
    Votes 1,594
  • WpPart
    Parts 10
Phr Book Imprint Published In 2007 "I love you with the love that is beyond limits... beyond understanding..." Hindi pa man kilala ni Robielle si Salvador ay iniligtas na siya nito mula sa makamandag na cobra. Ilang ulit na siyang inililigtas nito mula noon. Kaya kahit nuknukan ito ng sungit, hindi niya napigil ang sarili na magkagusto rito. Kaso lang, daig pa niya ang ketongin kung iwasan ni Salvador. Lalo naman siyang naintriga. Lalo siyang naglalapit dito. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang damdamin niya kay Salvador. Hanggang sa malaman niya ang "sikreto" na iniingatan nito...
Braveheart 18 Riel Saavedra (Phantom's Voice) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 58,442
  • WpVote
    Votes 1,272
  • WpPart
    Parts 10
Phr Book Imprint Published In 2007 "I love you, Yessa... No power or force or event in this lifetime can take that away. I know I'd die loving you." Parehong minahal ni Yessa ang anonymous caller niya na nagpakilalang "Riel" at si Sev na family friend nila. Tahasang sinasabi ni Riel na mahal siya. Si Sev naman, parang ipinararamdam lang na mahal siya. Hindi nga lang siya sigurado. Marami na kasing naging girlfriends ito. Nasabi na rin nitong minsan na uhugin pa siya. Hanggang sa utusan siya ng kanyang maimpluwensiyang lolo na paibigin si Sev at pakasalan ito. Hindi sana iyon problema. Confident si Yessa na mapapaibig niya si Riel kung hindi pa nga siya mahal nito. Pero na-realized kaagad na hindi niya kayang isantabi si Reil. At lalong hindi niya kayang kalimutan si Sev. Anong gagawin niya? Hindi naman siya puwedeng magpakasal sa dalawang lalaki.
Braveheart 17 Quinlan Ungpauco (Lost-cause Hero) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 58,377
  • WpVote
    Votes 1,313
  • WpPart
    Parts 11
Phr Book Imprint Published in 2007 "I still long for you, Andrea. I still long to be able to stare into your eyes. Those expressive eyes that say you still love me as much as I still love you..." Aksidente lang ang pagkikita nina Quin at Andrea. Tinulungan siya ni Quin nang mataaman siya sa ulo ng mabahong supot ng basura. Agad na na-attract siya rito. At sa kabila ng ayos at amoy niya ay na-attract din pala ito sa kanya. Kaso lang, nang makilala niya si Quin ay paalis na ito ng bansa. Nang bumalik naman ito ay hindi na siya malaya na makipagrelasyon dito. "Kung may natitira ka pang feelings para sa akin kahit konti, just tell me, Andrea." Dahil kung "oo" ang sagot niya, handa raw itong agawin siya sa kung sino man na may karapatan sa kanya. Hindi niya sinagot si Quin. Pero alam niya, kahit mapilit siya nitong magsalita, hindi niya magagawa ang gusto nitong mangyari gaano man niya kamahal ito. Sa biglang tingin, hindi nga yata ito ang destiny niya.
Braveheart 16 Pal Godinez (Elusive Destiny) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 64,863
  • WpVote
    Votes 1,504
  • WpPart
    Parts 10
Phr Book Imprint Published In 2007 "Sabi mo walang matinong babae na mambabasted sa akin. Kapag niligawan pala kita, sigurado na sasagutin mo 'ko?" Sharon thought that the gorgeous Pal Godinez would be handed to her as easily as on a silver platter. Dahil walang nililigawan ito at wala ring girlfriend. Sino pa ba ang kokontra kung susubukan niya na paibigin ito? She was a woman who knew what she wanted. And definitely she would get it. Noon iyon. Noong hindi pa niya natutuklasan na bilanggo pala si Pal ng pag-ibig nito sa isang babae. Sa kabila niyon ay sumubok pa rin siya na paibigin ito. Nagtagumpay naman siya. Iyon ang akala niya. Hanggang isang gabi na muntik nang may mangyari sa kanila ay bigla na lang itong tumigil. "I'm sorry, Sharon... I-I cannot make love to you pretending it's you I love when... w-when all along I've been thinking of her." Daig pa ni Sharon ang sinampal. Pero siguro nga labis ang paniniwala niya na si Pal ang destiny niya kaya ipinaglaban pa rin niya ang pag-ibig dito. Sino kaya ang unang susuko sa kanila?
Braveheart Series 21 Urison Ordoñez (Myrtle's Keeper) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 52,631
  • WpVote
    Votes 1,341
  • WpPart
    Parts 10
"I want to be the man who would sweep you off your feet. I long to see the day when you would tell me I took your breath away without me lifting any finger." Buddy-buddy pero parang aso't pusa dati sina Urison at Myrtle. Pareho silang mapambuska at pikon. Ibang babae ang gusto at hinahabol-habol ni Urison. ibang lalaki ang biggest crush ni Myrtle. Pero nagbago ang lahat nang makainom sila ng love potion. Hindi na sila mapaghiwalay. Daig pa nila ang mga patak ng arnibal na kinababaliwan ng mga langgam. Umiikot na lang para sa isa't isa ang mundo nila. Hindi tama ang nangyayari. Hindi iyon ang totoo. Kaya bumalik sila sa tao na nagpainom sa kanila ng love potion. Hiningi nila ang antidote sa gayuma. Kaso lang, nang mainom nila ang antidote ay lalong lumala ang pagkagusto nila para sa isa't isa. Paano na sila ni Urison? At paano niya haharapin ang biggest crush niya na ngayon ay nagsisimula nang manligaw sa kanya?
Braveheart Series 20 Terushi Aguila (Perfect Lover) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 61,018
  • WpVote
    Votes 1,517
  • WpPart
    Parts 10
Phr Imprint Published in 2007
Braveheart Series 23, Winona Alviar (Torn Dove) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 48,849
  • WpVote
    Votes 1,173
  • WpPart
    Parts 10
Phr Book Imprint Published In 2008 "Countless nights I've been dreaming of kissing you... But a thousand dreams can never fill my longing for a real one." Unang kita pa lang ni Winona kay Kestrel ay crush na niya ito. Bukod sa nagpaka-hero ito sa pagtulong sa kanya, inakala pa niya na ito ang hinahangaan niyang bida sa mga community projects sa lugar nila. Pero bago pa lumala ang feelings ni Winona rito ay nakilala niya si Tim, ang tunay na hero na matagal na niyang gustong makita. Niligawan siya ni Tim. Madali nitong naagaw ang naudlot na feelings niya para kay Kestrel. By twist of fate, muli silang nagkita ni Kestrel. Hindi na ito astang hero. Masungit na ito at suplado. Pero crush pa rin niya ito. Hindi na ito maalis sa isip niya. Parang fly trap ito na kumapit nang husto sa sistema niya. Naguguluhan si Winona dahil kahit mahal pa rin niya si Tim ay gusto na niya si Kestrel. At isa lang ang kailangan niyang piliin sa dalawa.
Braveheart Series 22 Viper Iñigo (Sinner Saint) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 62,480
  • WpVote
    Votes 1,476
  • WpPart
    Parts 10
Phr Book Imprint Published In 2008 "I have loved you ages ago. Nalagas na sa kalendaryo ang edad ko pero ikaw pa rin ang babaeng gusto kong pakasalan." Madaling na-fall si Rovinia sa tipong artista na si Eldric. Inakala niya na isa itong knight in shining armor, pero isa lang pala itong demonyo na nakakubli sa malaanghel na mukha. Hindi makakalimutan ni Rovinia ang kasamaang ginawa ni Eldric sa kanya. Nasira ang tiwala niya sa lahat ng lalaki dahil dito. Dumating sa buhay niya si Viper. Mas guwapo, mabait kahit may taglay na kakulitan minsan. Sa kabuuan, lahat yata ng magagandang adjectives ay maibibigay niya rito. Kaya natuto siyang magtiwala muli sa mga kalahi ni Adan. Kumbinsido si Rovinia na nahanap na niya ang tamang lalaki. Pero mas demonyo pa pala si Viper kaysa kay Eldric. Bigo na naman ba siya?