Hanggang kailan ba dapat magmahal? May expiration date ba ito? Kailan pwede sabihin na stop na kasi masakit na?
This story is dedicated sa lahat ng mga nagmahal at nasaktan or hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin.
This is the story of Nikki Montinola.
- UNEDITED -
Tulad ng ulan, hindi maiiwasan.
Tulad ng ulan, di natin pwedeng utusan.
Tulad ng ulan, dumadating pag di natin inaasahan.
Tulad ng ulan, di natin alam kung hanggang kailan.
Tama bang gawing rason na hindi sapat ang pagmamahal mo para iwan mo ang isang taong handang gawin lahat para saiyo? Tama bang gawing tanga ang isang taong handang masaktan para lang makamtan ka? Tama bang isakripisyo mo ang lahat sa taong hindi man lang makita ang halaga mo?
"Hindi ako takot sa mga babaeng umaaligid sayo. Takot ako sa babaeng, minahal mo ng sobra. Bago ako."