finished
7 stories
Familia Ybañez by SeulaGiiXxx
SeulaGiiXxx
  • WpView
    Reads 42,799
  • WpVote
    Votes 635
  • WpPart
    Parts 8
Labis labis ang pagpapasalamat ni Ethan sa mag asawang umampon sa kanya. Hindi man niya ito kadugo, ngunit kahit na minsan ay hindi niya naranasang iba ang trato nito sa kanya. Sa pagdaan ng panahon ay mas lalo siyang napamahal sa dalawang mag asawa. Itinuring niya ang dalawa bilang totoong magulang at itinuring rin naman siya ng mga ito bilang tunay na anak. Naging malapit siya sa kanyang Daddy Carlos, lumaki siyang Daddy's Boy sapagkat lahat ng hingiin niya sa kanyang daddy ay ibinibigay nito. Mahal na mahal rin naman niya ang kanyang Mommy ngunit sadyang masuyuin at pasensyoso ang kanyang Daddy na kabaligtaran naman ng kanyang Mommy. Magagalitin at maikli ang pasensya nito, lalong lalo na nang tumuntong siya sa edad na labing anim (16). Pakiramdam niya ay inilalayo siya ng kanyang Mommy sa kanyang Daddy sapagkat kahit ang pasimpleng yakap at kandong ay ikinagagalit na nito. Mas nagiging maldita at magagalitin ito sa kanya na animo'y lagi siyang may kasalanan. Walang araw na hindi nag aaway ang kanyang mga magulang sapagkat sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ina ay mabilis siyang inaalo ng kanyang Daddy na labis ikinagagalit ng kanyang Mommy. Hindi man niya maintindihan ang kinikilos ng kanyang kinikilalang ina, ngunit hinayaan niya nalang ito at nananalangin nalang na sana ay hindi na siya kagalitan at sungitan ng kinikilalang ina. Kinabukasan, ay naging normal na iyon para kay Ethan. Sigurado siyang maayos na ang kanyang Mommy at Daddy, at nagkabati na ang dalawa. Ngunit gaya ng kanyang Daddy, ay umaasa siyang magkabati narin sila ng kanyang ina. Ngunit ang inaakala niyang normal na araw, ay ang araw kung saan magsisimula ang masasamang plano para sa kanya. Ang itinatagong galit ay magiging resulta ng pagkaselos, ang itinatagong selos ay magiging resulta ng pagkamuhi, at ang pagkamuhi ay magreresulta ng malademonyong gawain na mag uudyok at tuluyang sisira sa kanyang mayumi at mabait na persona.
Staying With My Ex's Dad | M2M by kalqulux
kalqulux
  • WpView
    Reads 43,327
  • WpVote
    Votes 711
  • WpPart
    Parts 10
R-18 | Mature Content | Gay Erotica | Read at your own risk Nang mapalayas sa inuupahang apartment, walang ibang malapitan si Yves kundi ang ex-boyfriend nya. Kahit limang taon na silang hiwalay at walang komunikasyon, pinuntahan pa rin nya ito at nagbakasakaling matulungan siya. Pero si Lander ang nadatnan nya, ang tatay ng kanyang dating nobyo. Hindi nya lubos akalain na kilala sya nito, lalo pa't tago ang dating relasyon niya sa anak nito. Walang pagdadalawang isip na tinulungan siya ni Lander at pinatuloy muna sa pamamahay nito pansamantala. Pero habang nagsasama sa iisang bubong na silang dalawa lang, anong pagbabago ang mangyayari kina Yves at Lander kung malalaman nila ang lihim ng isa't isa? Note: Lahat ng character sa kwentong ito ay nasa legal na edad na.
KINAMULATAN by revirginized_maid
revirginized_maid
  • WpView
    Reads 350,470
  • WpVote
    Votes 3,942
  • WpPart
    Parts 29
Sa kanyang pagbibinata, may mga taong gigising sa natutulog niyang pagnanasa-isang init na unti-unting lalaganap sa kanyang pagkatao, mahirap pigilan, at lalong mahirap takasan. Samahan natin ang ating bida sa kanyang paglalakbay sa mundo ng tukso at pagnanasa. ______________________________________ BABALA: KUNG IKAW AY HINDI PA LABING-WALONG TAONG GULANG O MAS MATANDA, ANG KWENTONG ITO AY HINDI NAAANGKOP PARA SA IYO. ANG KWENTO AY MAY MGA TEMANG SEKSWAL, KARAHASAN, AT IBA PA NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA.
Ako at Si Prinsipe Yago (BXB 2014) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 224,159
  • WpVote
    Votes 1,644
  • WpPart
    Parts 24
"Hindi ako perpektong tao at alam kong marami akong pag kakamali sa buhay ko pero nandyan ka para ituro sa akin ang kahalagahan ng mga bagay sa paligid ko at dahil dito ay unti unti kitang minahal." -YAGO
TROPA (BoyXBoy) by cutiepogi004
cutiepogi004
  • WpView
    Reads 227,410
  • WpVote
    Votes 4,435
  • WpPart
    Parts 22
Paulit-ulit sinaktan, inalipusta at minaliit. Ganyan ang buhay ng isang tagilid, tila hanggang tingala na lamang ang magagawa upang makamit ang minimithing bituin. Hindi alam ni Jejo kung patuloy pa ba siyang magmamahal, o titigil na lamang dahil sugatan na ang kanyang puso sa mapang-alipustang tao. "Minamahal mo na nga, sinasaktan ka pa." ani Jejo ng mapagtantong wala na yatang pag-asang may umibig sa kanya. Pero paano kung bumaligtad na ang lahat? Siya naman ngayon ang habulin ng mga lalaking pinaiyak at sinaktan siya? Muli ba siyang magtitiwala? Muli ba niyang papasukin ang mapanakit na pag-ibig? Paano kung ang mga bagong kaibigan niya, na itinuring niyang tropa ay biglang manligaw sa kanya? Follow-Vote-Comment !!! TROPA (BoyXBoy) - Cutiepogi
SINFUL JAKE (M2M) (COMPLETED) by misterdisguise
misterdisguise
  • WpView
    Reads 285,301
  • WpVote
    Votes 4,431
  • WpPart
    Parts 43
#5 in NON-FICTION (Highest ranking, 12/11/17) Isang simpleng binata si Jake na itinatago ang kanyang kasabikan sa kapwa lalaki. Saan aabot ang kanya pagpapanggap? Paano niya tutuklasin ang kanyang tunay na sarili? Ano'ng mga kasalanan ang kanyang magagawa? Sinful Jake. 2017.
30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.) by Mar_Mojica
Mar_Mojica
  • WpView
    Reads 2,256,817
  • WpVote
    Votes 41,539
  • WpPart
    Parts 64
Highest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #1 in fiancee #1 in pretend #1 in cassanova #1 in heart #1 in crush #1 in mature #1 in ceo #1 in executive Tough, tyrannical, terrifying and terror. Isama pa ang talim ng mga titig, tagos ng mga salita, at tibay ng mga utos. Siya si Mr. Brixander Talaserna, in short, Mr. T. Ang boss na ipinanganak na may ginto ang bibig dahil bukod sa taglay na yaman, bawat utos niya ay walang maaaring makabali. Guwapo sana siya. Kung hindi lang sana sobra ang pagiging masungit niya. Si Mayumi Dimabuyu ay 'di mayaman, 'di matalino at 'di rin kilala ng kahit sino. Sa pagnanais na makatulong sa pamilya ay pumasok siyang janitress at naging boss si Mr. T. Hinahanap lang naman niya ang pesteng daga sa ilalim ng table ni Mr. T. Paanong magiging fiancee na siya nito? Mula sa pagiging buhay palakang janitress na naging acting princess na nakaupo sa tasa, kakayanin kaya ni Mayumi ang makasama si Mr. T for thirty days? 30 DAYS WITH MR. T Copyright © By MAR MOJICA Published under PSICOM "If you are reading this story on any other platform other than Wattpad you are very likely to be at risk of a malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe, form, please go to to @https://my.w.tt/fJXwPH4Fl7. Kia mihi."