Lluviared
Warren Natividad ang kanyang pangalan, ang lalaking naging aking pinakamatalik na kaibigan. Magmula noong tumungtong ako sa hayskul, siya ang unang taong lumapit at nag alok sa akin ng pagkakaibigan at sa sobrang haba ng aming pagsasamahan nabuo ang pakiramdam na humigit pa sa pagturing namin sa isa't isang kaibigan. Pareho kaming nagtapat ng aming tunay na nararamdaman at kinaya namin na nasuklian ang binibigay ng isa man sa amin. Hanggang sa umabot sa punto na niligawan niya ako at hindi ko na din siya pinahirapan pa nang matagal.