euriona
- Reads 519
- Votes 11
- Parts 11
Anastacio "Taz" Miranda, 29 Businessman
May ari ng kilalang brand ng sapatos sa bansa. Masungit, palaging nakasimangot at hindi marunong magpasalamat. Lumaking may galit sa ina. Iniwan ba naman siya at ang kanyang papa at ipinagpalit sila sa ibang lalaki. Ano'ng klaseng ina nga naman ang matitiis na iwan ang anak at asawa para sa sariling kaligayahan? He was just 14 years old back then.
Matapos niyang magkolehiyo ay nag asawa rin ang kanyang ama at nanirahan sa ibang bansa. Naiwan sakanya ang ari arian nito na ipinagpatuloy naman niya. Naiwan sa pangangalaga niya ang pinsang si Tannie. Naulila si Tannie dahil parehas sila ng kapalaran sa ina.
Makikilala ni Taz ang kaibigan ni Tannie na si Kairee. Magiging secretarya niya ito, aminado naman siyang attractive ang dalaga, iyon nga lang ay inlove na inlove ito sa boyfriend nito. Kapag nakikita niya si Kairee ay hindi niya mapigilang magsungit. Paano ba naman? Ang dami naman kasi ng iibigin yung taong malayo pa sa kanya. Samantalang siya itong kasama palagi ni Kairee ni hindi man lang magawang tingnan siya.