fattywickedmind
Veenus Villaluna, isang matapang at outspoken na transgender student lawyer, ay kasalukuyang abala sa isang malaking proyekto sa kanyang paaralan. Kailangan nilang pumili ng isang bayani upang ipagtanggol, ngunit sa kasamaang-palad, napili ng kanyang grupo si Heneral Danerie Del Rosario-isang pinuno ng rebolusyon na kilala sa kanyang pagiging mainitin ang ulo, palamura, at walang inuurungan. Ayaw na ayaw ni Vee sa kanya, ngunit wala siyang nagawa kundi sumunod sa desisyon ng grupo.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang gabi matapos ang matinding diskusyon tungkol sa nasabing proyekto, nagising siya sa isang mundo na hindi niya akalaing posible-nasa taon na siya ng 1898.
At ang unang taong sumalubong sa kanya? Walang iba kundi si Heneral Danerie Del Rosario mismo.