justcallmejessa13
Nagsimula sa simpleng kabaliwan,kalokohan,at kulitan. Hanggang sa nalaman ko na lang na gusto ko na pala siya. Madalas hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya ng hindi ko namamalayan. Dumating sa punto na nasasaktan na ako kapag nakikita kong may kasama siyang iba tapos ang saya pa nila. Madalas may kaakbay siya o di kaya'y may kayakap. Sobrang masiyahin at malambing siyang tao. Tumagal ng tumagal mas lumalalim ang nararamdaman kong paghanga sa kanya hanggang sa minahal ko na siya. Pero paano niya ako mamahalin katulad ng nararamdaman ko para sa kanya? Paano kung ako lang ang umaasa? Paano kung iba ang gusto niya? Paano kung imposible? Una pa lang alam kong masasaktan ako dahil maling tao ang minahal ko. Maling tao, kasi siya ang tipo ng tao na hindi ko alam kung babae o lalaki ang gusto. Siguro hindi ko naman kasalanan na siya ang tinitibok ng puso ko kahit na imposibleng mahalin niya rin ako.May posibilidad pa kayang bumaliktad ang lahat?May posibilidad pa kayang maging akin siya?