CarmelitaIsabela
Lahat sila matatalino. Lahat sila achievers. Lahat sila may sikreto.
At ngayon... isa sa kanila, patay na.
Nang misteryosong matagpuang patay si Elaine, ang top student ng klase, sa loob mismo ng kanilang paaralan, mabilis lang na isinara ng mga pulis ang kaso: "accident lang daw." Pero sa likod ng grades, medals, at perfect attendance, may limang matatalinong estudyante na hindi naniniwala sa kwento ng mga otoridad.
Mia, Andrea, Kyla, Nathan, at Jace, limang matatalik na magkaibigan, at mga top student ng kanilang batch, ang magpapasya na alamin ang totoo. Hindi sila detectives. Wala silang training. Pero may isang bagay silang meron: utak at motibo.
Habang mas lumalalim ang imbestigasyon, mas nadidiskubre nila na hindi lang si Elaine ang may tinatagong lihim.
At ang pinakanakakatakot na tanong:
Isa ba sa kanila ang susunod?