PinedaAngelo's Reading List
6 stories
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,076
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Pilit na "I DO" [boyxboy] by ONiiSan
ONiiSan
  • WpView
    Reads 182,277
  • WpVote
    Votes 4,597
  • WpPart
    Parts 24
Kaawawa. Yan si Maverick Rodriguez sa iisang salita. Ano bang nagawa ng isang mabait na lalake, masunuring anak, at masipag na mag-aaral para danasin niya ang mga pag hihirap nito? Dahil ba sa isa siyang bakla? Dahil ba masyado siyang mabait? O dahil sa isang aksidenteng kailanmay hindi niya pinangarap? Kung bakit ba naman kasi siya nag I DO??
If It's All I Ever Do by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 75,389
  • WpVote
    Votes 392
  • WpPart
    Parts 5
Maraming akong hindi maintindihan sa buhay ko, maraming mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit pa sa dami ng mga aralin sa school ay di kayang sagutin ang magulong pinagmulan ko. Dahil hindi ko kilala at buong maintindihang ang pinanggalingan ko, nawalan na din ng direksiyon ang aking pagkatao. Gusto kong magalit ang mundo sa akin, gusto kong isuko na lang ako ng mga taong nagpapahalaga sa aking kabutihan, ngunit bakit kahit anong gawin ko lagi akong inuunawa, nadadarang ako sa pagmamahal, natutupok nito ang kagustuhan kong lumayo sila sa akin. Ano ang kayang isakripisyo ng pagmamahal mo para magising ako sa katotohanang mali ako at tama ka, na ikaw ang para sa akin at hindi siya. Ayaw kong matulad sa mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko gusto ang buhay ng kagaya nila ngunit paano... paano ba turuan ang damdamin kong hindi dapat ikaw ang aking mahalin! -Romel Paano ka mababago ng pagmamahal ko? Saan ako dadalhin ng kagustuhan kong mabago ang mundong ginagalawan mo... Makikita mo kaya ang kabutihan ng ginagawa ko para sa'yo o hihilain mo lang ako sa mundong gusto kong iwan mo... MAHAL KITA... hindi ko isusuko ang pagmamahal na iyon kahit katangahan at kahibangan na para sa iba...kahit pa sobra na akong nasasaktan at pauli-ulit na ang pagluha ko'y ikaw ang dahilan... Maayos na sana ang buhay ko, matino na sana ang aking pagkasino ngunit nang minahal kita, naging magulo na ang dati ay kinainggitan ng maraming kabataan na narating ko, kasi ikaw daw ang mali sa buhay ko, ang tanging maling nakikita nila kaya napapariwara ako ngunit paano kita tatalikuran kung ang maling iyon ang pinakamahalagang ipinaglalaban ko, dahil ikaw...ikaw ang alam kong kulang na lang sa buhay ko!---- JINO
Everything I Have by PinedaAngelo
PinedaAngelo
  • WpView
    Reads 56
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Joemar Ancheta Personal blog
Rebound Of Foul Hearts by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 192,800
  • WpVote
    Votes 724
  • WpPart
    Parts 5
Sa laro ng mga barako't astig, paano kung may namumuong hindi maipaliwanag na kakaibang damdamin sa pagitan ng isang sikat na basketbolistang tinitilian at pinapangarap ng lahat at ng isang guwapo at mas batang nagsisimula palang makilala. Saan sila dadalhin ng kanilang tunggalian sa laro at pagkamit sa respeto ng kanilang mga fans. Anong kaya nilang gawin para patuloy nilang matakasan ang pinipigilan at nilalabanan nilang bugso ng pagkagusto sa isa't isa. Paano kung ang simpleng atraksiyon sa mabilisang mga sulyap, ang kuryenteng nabubuo sa tuwing nagkakabungguan sila sa paglalaro at ang pagtatangi kapag nagkikita sila bago at pagkatapos ng laro ay kusa nang sumasabog. Paano nila haharapin ang kaibahan nila sa kanilang mga kasamahan? Paano nila mapapanindigan ang kanilang pagmamahalan sa mundong kanilang ginagalawan?
The Bodyguard by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 226,932
  • WpVote
    Votes 1,248
  • WpPart
    Parts 6
Paano kung isa ka lang Bodyguard ng guwapo, sikat at matalinong anak ng Presidente. Isa pa'y alam mo sa sarili mong "straight" ka ngunit ngayon ay may gumugulo na sa iyong pagkatao. Paano ang girlfriend mo? Paano ang "career" mo kung ang tibok ng puso ay iba na ang binubulong? Padadaig ka ba sa bulong ng puso o susundin ang sigaw ng isip.