AngelitoCabais
Nagkaroon ako nang kakaibang panaginip.
Maganda,
Masaya
Ngunit may halong sakit.
Masakit, sobrang sakit.
Siguro ganon talaga ang lahat ng kwento nang bawat isa. Hindi sa lahat ng oras masaya, meron pa ring sakit at lungkot na kasama. Simula nung nawala sya...mas lalong lumungkot ang puso ko. Nakakatawa.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nalulungkot at nanghihinayang, pero bakit? dahil ba wala akong nagawa para sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit natatakot akong makalimutan ang pangalan mo? Gulong-gulo ang isipan ko, hindi ako makapaniwalang ganon lang pala yon.
Gusto kitang makita, kahit imposible.
Gusto kitang makasama, kahit hindi pwede.
Gusto kitang yakapin, kahit sandali lang.
Ngunit wala akong magagawa, hindi ko magagawa lahat ng gusto ko dahil una palang panaginip lang ang lahat. Isang kathang-isip, pero isa lang ang sigurado ako...
Totoo ang nararamdaman ko para sayo,
Kahit...
Panaginip ka lang