Asteria_Altalune's Reading List
6 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,319,352
  • WpVote
    Votes 1,334,353
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
The Fourth Order Series by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 75,209
  • WpVote
    Votes 3,237
  • WpPart
    Parts 62
[NOTE: I'm working on the English translation of The Fourth Order Series on Royal Road. :)] Simula pagkabata, hinahabol na ng mga demonyo si Misoo. Alam niyang special siya pero ayaw na niyang malaman kung ano siya. Pero nakilala niya ang aroganteng si Syndrome. Ang sabi ng lalaking iyon, Hunter daw ito ng mga demonyong tinatawag na Undertaker AT MAGKAURI daw sila. Okay, what now?
Our Sixty-Second Gap (Published/Preview) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 30,104
  • WpVote
    Votes 1,160
  • WpPart
    Parts 27
Confident si Ruma na papayag si Rabi- ang smart at talented niyang twin brother- na maging illustrator ng novel na gusto niyang gawing webcomics at isali sa isang contest. Pero ibang writer ang pinili nitong maging partner! So she looked for a new illustrator to work with her and this time, she promised herself that she would crush her "perfect" twin brother!
To Find You, My Love (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 96,062
  • WpVote
    Votes 2,864
  • WpPart
    Parts 45
He just wants to be with her. But she has dreams--- which doesn't include a future with him.
Blow Me A Kiss, Baby (Completed) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 83,681
  • WpVote
    Votes 2,320
  • WpPart
    Parts 20
"I just love it when you look at me thinking that I don't notice." Rai's was the country's hottest rock band, and Bee was one of their thousands of fangirls... until they kicked her most favorite member out of the band. Nagluksa si Bee nang tanggalin ang paborito niyang si Ryford sa banda nang walang paliwanag. But a mere six months later, everyone had moved on from Ryford's sudden disappearance and welcomed Radcliffe-Rai's new front man-with open arms. Except for Bee. Hinding-hindi niya matatanggap ang Radcliffe na iyon bilang kapalit ni Ryford. At lalo lang nadagdagan ang galit niya kay Radcliffe nang sa unang pagkakataon na panoorin niya itong mag-perform ay tinamaan pa siya ng binato nitong bottled water sa fans. Dahil sa nangyari, parati na lang sumusulpot ang lalaki kung nasaan siya at niyayaya siyang makipag-date para daw makabawi sa kanya. She was prepared to give Radcliffe a piece of her mind- hanggang sa sabihin nitong dadalhin siya sa pinakapaborito niyang fast-food chain. Paano siya makakatanggi kung nangako siya sa sarili na makikipag-date lang sa lalaking unang magyayaya sa kanya sa fast-food chain na 'yon?
The Quiet Between Us (COMPLETED) by EllaLeoni
EllaLeoni
  • WpView
    Reads 138,791
  • WpVote
    Votes 3,470
  • WpPart
    Parts 18
Emily used to someone. A sister. A daughter. A girlfriend. A friend. Then her mother was murdered - and everything went quiet. Now she is unraveling under the weight of grief she can't name. Her sister Amy is holding it together - barely. But pretending to be okay doesn't stop you from drowning. Told through alternating POVS, The Quiet Between Us is a haunting teen fiction about sisterhood, love, trauma and the fragile hope of healing. Because sometimes, the loudest cries are the ones no one hears.