Aldax
41 stories
Donation Box by jhavril
jhavril
  • WpView
    Reads 33,526
  • WpVote
    Votes 1,558
  • WpPart
    Parts 11
Aangkinin mo ba ang isang bagay na hindi naman talaga sa 'yo? Kahit pa ito ang magsasalba sa iyong problema? Paano kung kakaiba ang nakuha mo? At maaaring bumalik ang iyong maling ginawa sa... Donation box!
Lady PSYCHIC (lumuluhang kaluluwa) by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 468,335
  • WpVote
    Votes 2,081
  • WpPart
    Parts 5
A Psychic is a person who professes an ability to perceive information hidden from the normal senses through extrasensory perception (ESP), or is said by other to have such abilities.-- Wikipedia Anak ng isang pekeng psychic si Virginia. Lingid sa kaalaman ng mga dumarayo sa kanila na ang ginagawa ng kanyang ina ay isang mahusay na palabas lamang. Ang nanay niya ay fake. Ngunit siya ay hindi! Hindi niya lamang binibigyang pansin ang angking kakayanan at lalong hindi ito alam ng kanyang ina. Paano kung ang ipinagwawalang bahala niyang galing at kakayanan ay matuklasan ng isang tunay na Psychic? Paano kung matutunan na niya itong gamitin? Papayag ba siyang maging sunud-sunuran sa inang gahaman sa salapi at kapangyarihan? O, maging kasangkapan ng kabutihan at katarungan? Magagawa ba niyang patahanin ang mga, lumuluhang kaluluwa? Inilunsad- Hunyo 8, 2015 Nasimulan- Hulyo 21, 2015 Natapos- Pebrero 11, 2016 Paranormal, Horror, Mystery/thriller Cover by: Wacky Mervin Copyright © ajeomma
PASKO ng LAGIM #1- NANA LUCIA by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 57,105
  • WpVote
    Votes 2,663
  • WpPart
    Parts 14
He sees you when you're sleeping. He knows when you're awake. He knows if you've been bad or good so be good for goodness sake. YOU better watch out I'm telling you WHY... PASKO ng LAGIM is COMING to town! Si Nana Lucia, si Bitoy, ang daang putol sa daang kalabaw ... sama-sama nating alamin ang nakabalot na lagim sa kanilang Pasko, sa kanilang lugar.
HHC featuring: LEILAH anak ng diablo by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 193,829
  • WpVote
    Votes 1,553
  • WpPart
    Parts 5
Sa loob ng dalawawpu't limang taong pagsasama ay hindi pa rin mabiyayaan kahit isang supling ang mag-asawang Allen at Rebecca. Lahat ng paraan ay nasubukan na nila subalit paulit-ulit lamang silang nabibigo. Isang araw, narinig ng ginang ang tungkol sa mahusay na faith healer sa probinsiya ng San Martin. Makapangyarihan daw ito at maaaring makatulong sa kanilang suliranin. Dali-dali nilang tinungo ang nasabing lugar. Subalit hindi madaling matagpuan ang Maestro dahil ayon sa napagtanungan, walang lumang San Martin sa probinsyang iyon. Mawawalan na sana ng pag-asa si Rebecca, mabuti na lamang at may matandang babaeng nagturo kung saan matatagpuan ang kanilang pakay. Gusto nilang magka-anak. Isang munting anghel na kukumpleto sa kanilang kaligayahan. Kaligayahan nga kaya ang hatid ng anak na kanilang ninanais? Magagawa kaya nilang patayin ang paslit na sa impyerno nanggaling? Paano nila wawakasan ang... ANAK NG DIABLO? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Alulong sa Lumang Mansion by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 8,688
  • WpVote
    Votes 338
  • WpPart
    Parts 4
Lakas-loob niyang nilisan ang kinalakihang baryo upang maghanap ng mapapasukang trabaho. Nasa terminal na siya patungong Maynila nang matuklasang wala na sa loob ng kanyang bag ang supot na pinaglagyan niya ng pambili ng tiket. Naisip niyang sa lugar na lamang na iyon maghanap ng mapapasukan. Nagpalakad-lakad siya sa mga kalye, at kung saan abutan ng dilim ay 'dun na rin nagpapalipas ng magdamag. Nawawalan na siya ng pag-asa nang makita ang karatulang nakasabit sa poste ng isang malaking gate. WANTED: KASAMBAHAY. Napalunok siya matapos hagurin ng tingin ang malaki at lumang bahay. Wala iyong pinagkaiba sa mga kwentong katatakutang nababasa niya sa komiks. Pumasok agad sa kanyang isip ang mga magulang at kapatid. Mamamatay sa gutom ang mga ito kung siya'y mag-aatubili. Muli niyang nilunok ang laway at saka diniinan ang doorbell. "Tuloy ka, Ineng." Nanigas siya sa kinatatayuan. Ang matandang babaeng nagsalita, nakalapit nang hindi niya nakita kung saan nagmula. At ang malaking gate, nakabukas na!
KABIYAK (Part Two) by Mister_Rm
Mister_Rm
  • WpView
    Reads 57,670
  • WpVote
    Votes 1,334
  • WpPart
    Parts 21
Isang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre siyang kababalaghan sa bahay na iyon? Ano kayang kababalaghan ang nakapaloob sa bahay na iyon?
🕳️DILIM 🕳️ by TatimTechVeloso
TatimTechVeloso
  • WpView
    Reads 18,566
  • WpVote
    Votes 1,132
  • WpPart
    Parts 21
Naglahong lahat ng tao sa Barrio Suarez sa isang iglap maliban sa dalawang magkababatang matagal na hindi nagkita ~ si Liza at Alejandro. Dumating ang dilim na bumalot sa mundo nila at pinalitan ng isang pangalawa at kabaligtarang dimensiyon kung saan bumangon ang mga patay, ang payak na tao ay namuhay ng masalimuot at walang naaalala sa tunay nilang mundo. Paano magagawang mahanap ng dalawang kabataang sila Liza at Alejandro ang pinakamimithi ng kanilang mga puso na magsisilbing gabay upang manumbalik ang dati nilang dimensiyon. At saan nagmula ang dilim na bumalot sa simple at payak na pamumuhay ng mga taga Barrio Suarez. Mga naglalakad na bangkay na pananakal ang pakay. Isang dimensiyong kabaligtaran ng katotohanan. Isang musmos na nagbabalik upang ina'y hagilapin. Isang dalagitang pausbong pa lamang sa kadalagahan na pagtataka sa lagim at gulo ang dinanas. Isang maliit at antuking barrio ang sesentro sa papalapit at bumabalot na...DILIM! Ang mga ito kaya'y iyong matatakasan?
Luksa by fresliecity
fresliecity
  • WpView
    Reads 11,016
  • WpVote
    Votes 255
  • WpPart
    Parts 8
Tunghayan ang kuwento ng pagluluksa ni Emily Saavedra.Tulungan mo siya parang awa mo na.
NOBELISTA by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 6,924
  • WpVote
    Votes 242
  • WpPart
    Parts 4
Apat na maiikling kuwentong mula sa iisang senaryo. Iba't ibang kasaysayan mula sa apat na kategorya. Isang paghahanda sa mas malaking hamon bilang isang NOBELISTA, at pasasalamat na rin sa patuloy ninyong pagsubaybay at pang-unawa. HORROR- TWENTY FOUR SEVEN SUSPENSE- MY KILLER ROMANCE- LARAWAN EROTIC- MISTIKA
LAHI 102: Pagdadalaga ng Reyna ng mga Aswang by KarmelaAnnPark
KarmelaAnnPark
  • WpView
    Reads 46,141
  • WpVote
    Votes 1,343
  • WpPart
    Parts 40
Kapag dumating ang panahong hinog na ang dalagang pwedeng magpasa ng isang hindi karapat-dapat na lahi, dalawang hukbo ang maghaharap at may mga inosenteng tao ang madadamay.