Kerkyss
Family first. Yan ang pinaninidigan ni Yna. Para sa kanya kasi, kailangan nyang suklian ang paghihirap ng mga magulang nila para mabuhay at mapag-aral sya. Lahat ng ginagawa at gagawin nya, kailangan muna nyang isaalang-alang ang pamilya nya. Kung kaya't pati kaligayahan nya ay nakalimutan na nya. Wala syang night life tulad ng normal na dalaga. Sa madaling salita, wala syang buhay pagkalabas nya ng opisina. Diretso uwi sa bahay para magpahinga. Mas pipiliin pa nya ang matulog para makapagtrabaho ng maayos kinabukasan. Ni hindi nga din sya nakikipag text sa mga kaibigan nya kung meron man. Mabait sya, katunayan ay ubod ng bait para isipin pa nya ang sarili nya para lang sa pamilya. Wala syang oras para sa sarili nya, ni-hindi nga nya magawang pumunta ng mall para ibili ng gamit ang sarili nya o kaya naman ay pumunta sa social gatherings para naman makakilala sya ng iba.
Paano kaya kung aksidentenyang makilala yong lalaking handang ipa-experience sa kanya yong mga bagay na dapat ay maranasan ng isang dalaga? Paano kaya kung dumating na yong lalaking mamahalin sya at aalagaan sya? Paano kaya kung mahulog din sya sa lalaking iyon at nais nilang lumagay sa tahimik? Pero paano naman yong pamilya nya? Sino kaya ang pipiliin nya? Pamilya o kaligayahan?