My Reading List
37 stories
Foul Play Between Love: The Cruel Detective  by Kitkatsugar
Kitkatsugar
  • WpView
    Reads 1,538
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 51
#3 Lee Series Pag tadhana na wala ka ng may magagawa pa, kailama'y hindi mo na ito mababago. Ang kailangan mo nalang gawin ay sundin kong anong nasa puso mo, yung mga bagay na magpapasaya sayo. Maraming taong pinagtagpo ngunit di tinadhana, minsan sila yung mga Magkasintahan na masaya na sana ngunit hindi nila alam na hindi pala sila ang para sa isa't isa. Isang Pinto, isang Asul na Likido na nakalagay sa isang makinang na wine glass, isang babaeng Red at isang lalaking Nakahiga habang hinihintay ang babaeng mahal niya. Ito ang sanhi ng Pagbabago at pag-ikot ng kanilang Landas.
Foul Play Between Love: The Reckless Boss  by Kitkatsugar
Kitkatsugar
  • WpView
    Reads 9,446
  • WpVote
    Votes 143
  • WpPart
    Parts 52
#2 Lee Series "Alam mo gusto kitang pakasalan yun ngalang ang sungit mo kasi" sabi ng batang babae sa batang lalaki. Pano nga ba mainlove ang isang halimaw--este lalaki? Badboy? Have you heard of that? Hmm, sila yung mga lalaking maraming babae na nakaaligid sa kanila, sila yung mga lalaki na kahit anong gusto nila nakukuha nila at higit sa lahat maari din silang tawagin na 'Reckless'. Eh totoo nga ba ang lahat ng mga ito, Talaga bang ganyan ang kanilang mga ugali o yung iba lang? May isang babaeng palaban at kahit na anong pagsubok ang kanyang dadaanan ay kaya niya, eh kasi naniniwala siya sa kasabihang 'Hindi naman bibigay ang panginoon ng mga pagsubok na hindi natin kayang malampasan' yung akala mong babaeng palaban ay may takot din na naman palang nararamdaman. Hindi nga siya takot sa mga pagsubok ngunit takot naman siya sa Ipis? Oo ipis. At takot din siya sa bangungot, Ano nga ba ang pakiramdam kung binabangungot ka? Sabi daw nila kapag binabangungot ka ang isip mo ay gising ngunit ang katawan mo ay sadyang tulog. Ang weird diba?
Foul Play Between Love by Kitkatsugar
Kitkatsugar
  • WpView
    Reads 2,837
  • WpVote
    Votes 76
  • WpPart
    Parts 40
#1 Lee Series Pagsubok, maraming tao ang natatakot sa katagang ito. Sabi daw nila baka hindi mo kayang malampasan ito. Papaano nalang kaya kapag sa pag ibig ng dalawang tao ay magkakaroon ng pagsubok, pagsubok na makakasakit ng damdamin ng isa't isa. Ano kaya ang gagawin nila, makakaya ba ng dalawang pusong nag iibigan na humarap ng isang malaking problema o pagsubok? Sabi daw nila, kapag itinadhana talaga kayo na ang magiging magkasama hanggang sa magkabilang buhay. Eh pano na kaya kung ngayon pa ngalang marami na kayong problemang nadadaanan? At totoo nga naman pala na parang tele-nobela ang buhay, mga rebelasyong nagaganap, drama at higit sa lahat ang love. Minsan nga talaga, sadyang mapagbiro ang tadhana andaming koneksyon, yung akala mong taong mapagkakatiwalaan at hindi mo inaasahan na gumawa ng mga ganyang bagay ay siya pa pala ang totoong kalaban mo. Madali ba kayong magtiwala sa isang tao? Minsan nga naman mapagbiro ang tadhana eh, yung inaakala mong makakatulong at pinagkakatiwalaan mo ay siya ding magiging kalaban mo sa huli? Tila napakasaklap no? Magkakatulyan nga ba silang dalawa? Magkakaroon ba sila ng Masayang wakas ng kabanata sa kanilang buhay?
BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓ by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 115,931
  • WpVote
    Votes 3,745
  • WpPart
    Parts 18
Dahil sa kakaibang mata ay naisipan ni Francine na ikubli ang mata ng kanyang anak na si Abella. Gumawa sya ng isang salamin sa mata upang takpan sa mata ng tao ang sekretong tinatago nila. Lumaki si Abella na tahimik at may tinatagong angking talento. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon sya ng pagkakataon na makapasok sa isang Eskwelahan. Lagi syang sentro ng bulungan ng mga estudyante ngunit wala syang pakialam sa paligid. Hanggang sa makilala sya ni Antonios Don Villamor. Ang Volunteer Nurse ng school na papasukan ni Abella. Nakita nya kung paano ito mahimatay kaya agad nya itong tinignan.. Tatanggalin sana nya ang salamin nito upang tignan ng mabigla sya ng dumilat ito at pigilan sya. Malamig ang kamay ng dalaga. At hindi nya alam ngunit tila iba ang nadama nya rito. Matuklasan kaya ni Antonios ang lihim ni Abella? At ang binata din kaya ang magiging dahilan ng paghihirap ni Abella? At matagpo din kaya ang landas ng mag-ama na pinaglayo ng tadhana?
Blood Book 1 (Unedited) ✓ by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 138,902
  • WpVote
    Votes 4,597
  • WpPart
    Parts 18
Pag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Naging alalay sya ng binatang Agustin na si Randall. Na una palang ay naamoy na agad ng binata ang mabango nyang amoy. Labis ang pagtataka ni Francine sa kanyang paligid dahil para bang may kakaiba sa bawat araw na nakikilala nya ang pamilyang Agustin at ang binatang si Randall. Hanggang matuklasan nya na hindi ordinaryong tao ang binata at maging ang pamilya nito. Isa itong nilalang na hindi nya akalain na nabubuhay sa mundo nya. Ngunit mawawala ang kanyang alaala at matutuklasan na kanya itong magiging asawa. Nag-ibigan sila ngunit natuklasan rin nya na sya ay nilinlan lamang ng binata nang sabihin nito ay asawa nya ito. Natuklasan nya rin na hindi rin pala sya ordinaryong tao lang. Dahil napapabilang rin sya sa uri ng nilalang kung anong uri ang binatang si Randall. Ngunit ang kanilang lahi ay nahahati. Ang kanilang lahi ay may alitan sa isa't-isa, kaya malaki rin ang hadlang sa kanilang pagmamahalan. Ngunit hindi sila nagpapigil at nagbunga ang kanilang pagmamahal ng isang supling. Isang supling na magiging salot ng kanilang lahi. Dahil nais nilang protektahan ang kanilang magiging anak ay tumakas sila, ngunit may isang nilalang na pumigil upang sila ay mapaslang upang mapunta rito ang trono bilang hari. Naiwang nakikipaglaban si Randall upang protektahan si Francine at ang nasa sinapupunan nito. Napunta sa mundo ng tao si Francine upang doon magtago. Hinintay nya at umaasa sya na agad syang mahahanap ni Randall ngunit naisilang na nya ang kanilang anak pero wala parin ang binata na nangakong susundan sila.
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 879,841
  • WpVote
    Votes 18,962
  • WpPart
    Parts 31
Sa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagtatrabahuan niya ang magkakaibigang estudyante, at may nakapukaw ng kanyang pansin. Ang isa sa mga estudyanteng titig na titig sa kanya. Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin kaya binalewala na lang niya. Ngunit hindi niya akalaing hahantong sa puntong magkakagusto sa kanya ang mas bata sa kanyang si Edward. Masugid itong sinusuyo siya hanggang sa gawin nito ang lahat ng pinag-uutos niya kahit na maging babaero ito dahil lamang sa pagsunod sa lahat ng utos niya. Hindi niya mapigilang mahulog rito sa kabila ng malayong agwat at kanyang nakaraang hindi masabi sa binata. Muli siyang nahulog sa isang lalakeng sa huli ay iiwan siya dahil sa maling akala. Umibig na siya nung una sa dating kasintahang si Max na naging dahilan kung bakit ang pagkatao niya ay puno ng pait at lamig. Nais niyang magpaliwanag kay Edward ngunit hindi nito pinakinggan ano mang paliwanag niya, bagkus ay tinawag pa siyang mitress ng ama nito. Ginawa lahat ni Arwena upang patunayan ang sarili at may makamit sa sarili. Bumalik si Edward matapos ang ilang taon, at sa pagbabalik nito ay isang mailap at malamig na trato ang sinalubong nito sa kanya. Maibabalik pa ba ang dati kung ang katotohanan ang magiging dahilan para siya naman ang makaramdam ng pait at galit para kay Edward? Maitatama pa ba ng pag-ibig ang naging dahilan ng lahat? At huli, makakamtam na ba niya ang hustisyang kay Edward lang pala niya matatagpuan?
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,141,636
  • WpVote
    Votes 46,543
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
Perfect Haters Book 1 (Part 2 Published under Pop Fiction) by megladiolus
megladiolus
  • WpView
    Reads 2,229,801
  • WpVote
    Votes 55,933
  • WpPart
    Parts 45
This is the second part of Perfect Haters book 1. This begins with chapter 38 where Zak and Alexa are officially in a relationship. Book 1 pa rin po ito ng Perfect Haters. Again this is still book 1. Marami kasing nagtatanong saan nagstart ang part 2 na book and nasaan ang chapter 58. So here is the separate on para di na mahirapan maghanap ang mga nagtatanong.