PinkBlossom_101
Life is a journey and it's about growing and changing and coming to terms with who and what you are and loving who and what you are.
----------------- --------- ------------------ --------
"The more anger towards the past you carry in your heart, the less capable you are of loving in the present."
Marami ang naganap sa nakaraan. Mga kaganaang hinding-hindi ko malilimutan. Nakaraan na puno ng sakit, galit, paghihiganti at inggitan na nauwi sa matinding hidwaan. Ngunit sa kabila ng mga pangyayari, ang lahat ng ito ay napalitan ng masasayang ala-ala, pag-uunawa at nag-iwan ng maraming leksyon. Leksyon na dapat nating matutunan , na hindi sa lahat ng oras ay paiiralin natin ang ating emosyon , na hindi dapat tayo magkimkim ng galit sa kapwa , at sa halip , matuto tayong magpatawad , dahil hindi ka lubusang masaya kung di ka marunong magpatawad.
Magpatawad sa mga taong may kasalan sayo , oo nga't di ito makakabura ng sakit na iyong naramdaman pero nagbibigay naman ito ng kagaanan ng loob. Ako ? natuto akong magpatawad at magpakumbaba dahil tao lamang ako , hindi ako perpekto at nakagagawa ng mali sa ibang tao. Ngunit sa kwentong ito , ay hindi ko kwento o namin dahil ito ang kwento ng mga bagong henerasyon. Natapos na ang unang yugto ng kwento namin kaya magsisimula na rin ang bagong kwento ng bagong henerasyon.
"Mom ? What are you doing ?" Napalingon ako sa kanya ng lumapit ito sa akin , agad kong sinarado ang journal ko nilagay at sa luggage.
"Nothing baby , are you ready ?" Agad kong tanong sa kanya
"Ye , eomma !" Masiglang saad niya kaya napangiti ako sa kanya
"Kaja" hinawakan ko ang kamay niya at marahan siyang hinila palabas sa aking silid.
Today is our flight back to the Philippines. Kamusta na kaya ang iba ? I wonder ...
"Mom , come on oppa and appa is waiting for us !" Saad ng aking munting prinsesa habang hila-hila ako
Philippines here we come.