GoddessTheophania
Pamagat: ISANG HALIK MULA SA 'YO
Akda ni: GODDESSTHEOPHANIA (TIFFANY)
SEVEN MINUTES in heaven. Gano'ng laro lang pala ang sisira sa samahan nina Winter at Sunny.
Dahil sa malambot na pananalita at pagkilos, napagkakamalan ng iba na bakla si Aldwin Lester Clavez. Wala siyang pakialam sa opinyon ng iba. Ang hindi niya matanggap ay ang maging katatawanan ng grupo kaya't ilag siya sa marami.
Mataas ang pride ni Sunshine Rae Agustin, kaya kapag ayaw sa kanya ng tao, tiyak na mas ayaw niya rito. Hindi niya kailanman naramdamang kailangan niyang maging palakaibigan sa iba. Ni wala sa kanya kung walang manatili sa tabi niya. Ang kanyang ganda at kumpiyansa, sapat na 'yon para mabuhay siya.
Hindi magkaaway, hindi magkaibigan. Ganyan ang relasyon ng dalawa. Inakala nilang kahit na gano'n, matatag ang pagsasama nila. Pero . . .
Halik ng isa't isa lang pala ang tatapos ng lahat.