milktea_frappe
Isa lang naman ang tanging hinihiling ni Denie pagtapak niya sa bayan ng Craydon, ang magkaroon ng tahimik na buhay. Taliwas ang Craydon sa lugar na pinagmulan niya. Doon ay magulo at maingay. Grabe din ang polusyon. Samantalang dito sa Craydon ay napakatahimik at napakaganda ng tanawin. Hindi ito crowded hindi gaya ng siyudad na pinanggalingan niya.
Akala niya noong una ay magiging tahimik ang buhay niya dito. Ang hindi niya alam ay may malaking pagbabago ang nakaabang sa kanya dito.