KILIG
13 stories
PATIENT X (R-18) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,239,224
  • WpVote
    Votes 17,091
  • WpPart
    Parts 24
When you get caught in a dangerous game, you will never be the same again. Joy Madrid is a beautiful woman suffering from major depression because of a relationship gone wrong. Mahal pa rin niya si James at kahit na ipinagpalit na siya nito sa ibang babae ay parang nakapagkit pa rin sa isip, puso at katawan niya ang mga marka ng binata. Mga marking nagdudulot sa kaniya ng trauma. Si Dr. Martin na siyang pinakamagaling na psychiatrist sa bansa ang tumanggap kay Joy bilang pasyente. He's a handsome man in his late twenties. Mukhang masungit pero may malambot talagang puso. Little by little, the layers of James and Joy's relationship are unraveled to Martin - the violence, the passionate lovemaking, the drama, and he vowed to cure her from it using exposure therapy. Pero pareho nilang hindi inaasahan na habang isinasabuhay nila ang mga erotikong pantasya ni Joy ay magkakaroon sila ng kakaibang koneksiyon; ng intimacy na hindi nila naramdaman sa piling ng kahit na sino. Hanggang sa hindi na nila alam kung treatment pa rin ba ang ginagawa nila o isa ng affair. Kung kailan okay na ulit si Joy ay saka naman niya nalaman ang isang bagay na inilihim sa kaniya ni Martin. Isa iyong rebelasyon na nagpayanig sa namamagitan sa kanila. Isang rebelasyon na naging dahilan kaya nabuo ang desisyon ni Joy na magpapabago sa kani-kanilang buhay.
Just The Benefits (PUBLISHED) by beeyotch
beeyotch
  • WpView
    Reads 66,486,462
  • WpVote
    Votes 1,345,497
  • WpPart
    Parts 74
Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madalas siyang damayan ni Shiloah Suarez, ang bagong transferee sa kanilang eskuwelahan na kabaliktaran ang ugali kay Parker. Will she be selfish and stay with Parker while keeping Shiloah by her side? Or will she break up with him for good and choose someone she can be with in public?
A Drunken Mistake (COMPLETED) by beeyotch
beeyotch
  • WpView
    Reads 10,278,311
  • WpVote
    Votes 193,489
  • WpPart
    Parts 32
"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."
Tanangco Boys Series 2: Rene Roy Cagalingan by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 116,281
  • WpVote
    Votes 2,620
  • WpPart
    Parts 11
"I want to spend my life waking up in the morning and stare at your beautiful eyes and tell you how much I love you." Hindi na bago sa lugar nila ang lantaran niyang paghayag ng matinding paghanga kay Victor. Kulang na nga lang ay patayuan niya ng altar sa gitna ng kalyeng iyon ang lalaki. Akala niya ay tunay na pag-ibig na ang nararamdaman niya para kay Victor. Nagbago ang lahat ng kinailangan niyang makisama sa numero unong kontra sa buhay niya. Si Rene Roy Cagalingan. Kaya ganoon na lang ang inis niya para sa lalaki. Hanggang sa isang araw ay magising siya na tila may nararamdaman na para dito. Mahal na niya ito. Would she be able to fight for her love? Sa kabila nang katotohanang ang kaibigan niya ang mahal ng lalaking mahal niya.
The Tanangco Boys Series 5: Joneil Victor Pineda by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 85,907
  • WpVote
    Votes 1,845
  • WpPart
    Parts 10
"Having someone like you in my life, is the best thing that happened to me." Teaser: Third year highschool nang mag-transfer sa Buting National Highschool si Abby. Doon niya nakilala ang guwapo at sikat sa buong campus at basketball player na si Victor. Naging magkaibigan sila and later on, they became bestfriends. Ngunit kasabay nang paglalim ng pagkakaibigan nila, ay paglalim din ng nararamdaman niya para sa binata. Hanggang sa lumaki sila ay mahal pa rin niya ito. Ngunit paano niya masasabi sa bestfriend niya na higit pa sa pagiging magkaibigan ang tunay niyang damdamin para dito? Kung hanggang sa kanilang paglaki ay ang tingin nito sa kanya ay isang tomboy.
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 127,699
  • WpVote
    Votes 2,444
  • WpPart
    Parts 10
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya dito bilang isang 'housemaid' nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya, pumayag siya dahil wala naman siyang choice. Ngunit iyon na yata ang pinaka-malaking pagkakamaling ginawa niya. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi sa binata. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagtibok ng puso siya para dito. Paano na lang kung isang araw ay matuklasan niyang isang malaking kalokohan lang pala ang lahat ng iyon?
Bossy Boss (Completed) by FionaQueen
FionaQueen
  • WpView
    Reads 277,628
  • WpVote
    Votes 7,144
  • WpPart
    Parts 17
"I want you to be my housemaid for two weeks. " Hindi na nakatanggi si Freya sa sinabi ng snob and bossy but charming na si Ylac Brillantes. Tinakasan kasi niya ang nabanggang Lamborghini ng binata. At nang mahuli ay iyon ang naging kondisyon nito para hindi siya idemanda. Ang hilig mag-utos ni Ylac. Kaya inis na inis si Freya. Pero tinablan pa rin siya ng charm nito. Nahulog ang loob niya kay Ylac. At nararamdaman niya na sa kabila ng ugali ng binata ay may pagtingin din ito sa kanya. Kaso, bigla siyang pinauwi ng kanyang papa sa probinsiya nila at gustong ipakasal sa anak ng kapartido nito sa politika nang malaman ang mga pinaggagagawa niya sa Maynila.
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 130,235
  • WpVote
    Votes 1,754
  • WpPart
    Parts 41
"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang nakaraan at kapareho rin niya ng hilig sa musika. Dahil doon, madaling gumaan ang loob nila sa isa't isa. Madali siyang nagtiwala kay Fritz. Madaling nahulog ang loob dito. Nangako si Fritz na hindi siya iiwan, hindi sasaktan. Naniwala siya. Dahil sa labis na pagmamahal sa binata, alam ni Elise na hindi niya makakaya na mawala ito sa kanya. Iyon nga lang, hindi lahat ng pangako ay nakatadhanang matupad. Bumalik ang best friend niyang si Kate at nalaman niyang ito ang ex-girlfriend ng nobyo niya. Ngunit dahil mahal niya si Fritz, anuman ang sabihin ni Kate, handa siyang tanggapin ang nakaraan ng binata. Hindi magbabago ang tingin niya rito. Ngunit si Fritz pala ang nagbago. Dahil bigla na lang nitong sinabi na nais na nitong makipaghiwalay sa kanya dahil mahal pa rin daw nito si Kate at kahit minsan ay hindi man lang siya nito minahal.
NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 75,377
  • WpVote
    Votes 1,470
  • WpPart
    Parts 18
"Bale-wala sa akin ang anumang haharapin ko para bumalik ka sa akin. Alam kong mahirap pero hindi ko kayang isuko ka nang basta-basta nang hindi man lang lumalaban." Dahil sa biglaang pagkamatay ng mga magulang, pinili ni Rakel na manirahan sa lola niya sa San Alfonso. Doon niya nakilala ang isang delinquent student sa kanilang eskuwelahan na walang ibang pinagkaabalahan kundi ang tumugtog ng gitara at kumanta-si MJ. Dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, naging malapit sila sa isa't isa at lubusang nakilala ni Rakel ang binata na walang ibang pangarap kundi ang maging isang singer. Pero dahil sa murang edad, marami ang humadlang sa kanilang pag-iibigan at di-nagtagal ay nagkahiwalay sila ng landas. Sampung taon ang lumipas at may kanya-kanya na silang buhay. Si Rakel, isa nang journalist at malapit nang ikasal sa boyfriend niyang si Wallace. At si MJ, isa nang sikat na vocalist ng isang international rock band. Pero naging mapagbiro ang tadhana dahil muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At sa pagkakataong iyon, haharapin na nila ang anumang hadlang para maituloy ang naudlot na pag-iibigan.
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,051,014
  • WpVote
    Votes 49,270
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.