superonwel
Gracian Espiñosa isang half Filipina half Filipino. Charz! He is a half Spanish/Filipino at litaw na litaw ang kagwapuhan este kadyosan nito dahil sa dugong kastila.
He is a kind of spoiled brat, dahil nag iisa itong anak ng mga Espiñosa. Isang mayamang pamilya sa kanilang probinsya. Laki siya sa layaw at kung anong gugustuhin niya ay agad nitong nakukuha.
Isang araw nagulantang nalang ang pabida nating bida ng mabalitaan niya na malapit ng matige ang kanyang pinakamamahal na Lolo. Kaya ang ending dali dali niya itong nirampahan. Sa kanyang pagpunta doon hindi niya naabutan itong buhay. Kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kalungkutan.
Ngunit ang ipinagtataka niya bakit hindi siya ang naging tagapagmana ng hacienda nito eh siya lang naman ang nagiisa nitong apo. Isang malaking katanungan ang nabuo sa kanyang isipan. Ngunit agad rin niyang nalaman kung sino ang tagapagmana ng hacienda ng kanyang Lolo.
Walang iba kundi ang gwapo at matipunong katiwala ng kanyang Lolo na lubos naman niyang kinaiinisan. Kaya isang hakbang ang kanyang ginawa upang alamin kung bakit hindi siya ang naging tagapagmana. Isang hakbang upang bitagin sa kanyang patibong ang lalaki. Ngunit paano kung siya mismo ang nabihag sa kanyang patibong na siya mismo ang gumawa at nagsimula?
What could be the end? What do you think?
Cover: @ronwelicious
©Midinkyky