reyesester3578's Reading List
6 stories
Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances) by Emerald_Blake158
Emerald_Blake158
  • WpView
    Reads 73,226
  • WpVote
    Votes 1,272
  • WpPart
    Parts 13
"I had no plans of changing my lifestyle and perspectives. I thought my world would just remain the same, totally upside down. But all you did throughout this time was to make it right side up. Nagsimula ang lahat nang makilala kita sa barko. Binago mo ang takbo ng buhay ko..." HARLAN DELA RIVA. Known to be the headstrong, witty, and impulsive bachelor in his late twenties. He also happens to be the ultimate heir of Dela Riva Inc. Hindi siya magkamayaw sa napakaraming babaeng tila nahuhumaling sa kanyang pisikal na anyo, katalinuhan at kayamanan. Ngunit sa kabila ng halos perpekto niyang buhay ay isang mapait na pangyayari dalawang taon ang nakalipas. Isang bahagi ng kanyang buhay ang 'di niya na ninanais pang balikan bunga ng takot na muling mabuksan ang mga sugat at pilat ng kahapon. DAISY ANDRADA. Gentle, optimistic and softspoken. Nakahiligan na niya ang pagiging florist sa maliit na flower shop ng kanilang pamilya. Isang aksidente sa dagat ang naganap dalawang taon ang nakalilipas, at ito ang nag-iwan ng malaking pinsala sa kanyang pagkatao. Sa kabila nito, nanatili siyang puno ng pangarap, pag-asa at magagandang saloobin sa buhay. Ang tangi niyang ninanais ay isang buhay na payak ngunit mapayapa at higit sa lahat, ang makapagbigay ng inspirasyon sa mga batang may pinagdadaanan tulad niya. Iisang pangyayari sa nakaraan ang humubog ng kanilang mga buhay. Ngunit sa muli nilang pagkikita, mabura kaya ang mga sugat at pilat ng kahapon upang maging susi sa pagbabago ng kanilang mga tadhana?
WORTH A LIFETIME by RICA BLANCA (Published by PHR) by RicaBlancaPHR
RicaBlancaPHR
  • WpView
    Reads 55,785
  • WpVote
    Votes 877
  • WpPart
    Parts 10
"Ikaw na rin ang nagsabi na kahit ano'ng gawin ko, I will always miss something in life. And I don't want that 'something' to be you." Kulta na ang utak ni Lovely sa pag-iisip ng magandang love story na tatanggapin ng kaniyang editor. Lagi kasing reject ang mga gawa niya. Noon siya nakapulot ng isang bungkos ng mga lumang love letters na dated 1966 pa -- at binuhay niyon ang kaniyang pag-asa. Isa iyong pagkakataong bumagsak sa kaniyang paanan -- hahanapin niya ang nagpalitan ng mga lumang love letters at ang kuwento ng mga ito ang isusulat niya. Pero may kontrabida sa kuwento niya, si Conan, ang masungit na apo ni Arnulfo, ang matandang lalaking nakawala ng mga sulat. Kontrang-konta si Conan sa kaniyang isinasagawang "Oplan Happy Ending" dahil nararapat lang daw na ibaon na sa limot ang lahat. Hindi siya nagpadaig, pineste niya ito, pinersonal, hanggang sa mapilitang pumayag. Buo na sa utak ni Lovely ang kuwentong kaniyang isusulat -- the story of two old people who never stopped loving each other and true love reunited them. Pero habang tumatagal na kasama niya si Conan, unti-unti ay nagiging ito na ang kaniyang hero, at siya ang heroine. Ngunit paano magkakatotoo ang pantasya niyang love story kung hindi naniniwala si Conan sa marriage at sa forever?
Make - Believe Lover by Severino918
Severino918
  • WpView
    Reads 40,670
  • WpVote
    Votes 859
  • WpPart
    Parts 13
"Hindi mo masusunod 'yong Standards na ginawa mo para sa lalaking mamahalin mo. Unang-una, 'yong isip mo ang gumawa ng criteria na 'yon. Nawala sa isip mo na hindi naman isip ang nai-in love kundi ang puso."
Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLY by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 95,730
  • WpVote
    Votes 2,523
  • WpPart
    Parts 20
Lovefinder book 13 Unedited First draft.
Kasalanan Ko Ba Ang Ibigin Ka by Severino918
Severino918
  • WpView
    Reads 95,877
  • WpVote
    Votes 2,109
  • WpPart
    Parts 18
"I can't Remember When it Happened, Basta nagising na lang ako isang araw na hinahanap ka ng puso ko."
The Prude Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 82,731
  • WpVote
    Votes 1,619
  • WpPart
    Parts 11
Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabalahan. Ngunit ang tanging panira lang sa tahimik niyang buhay ay ang asungot na si Ziggy. Ipinanganak yata ito para asarin at bigyan ng konsumisyon ang buhay niya! Pero bakit kung kailan nagkaroon na ng ceasefire sa pagitan nila ay saka naman nagkaroon ng digmaan sa puso't isipan niya. She seems to be falling for him! Pero ano naman ang panama niya sa mga naggagandahang mga babaeng naghahabol dito kung siya ay isang dakilang "manang"... sa isip, sa salita, at sa gawa?