GiaEugenio
"Nik! Pwede ba tayo magkita ulit soon?" sigaw ko kasi medyo malayo na s'ya. Ngumiti s'ya.
"Oo naman. Next Friday," sagot n'ya.
"Sooner. Bukas? Pwede?" tanong ko.
"Agad? Di pwede," sagot n'ya.
"Sunday? Anytime." Tanong ko pa. Umiling naman s'ya.
"Monday? Tuesday? Wednesday? Thursday?" tanong ko pa.
"Hindi talaga eh. Sorry. See you next Friday," sabi n'ya saka nagpatuloy sa paglalakad palayo. No choice. I have to wait till Friday. I always have to.
Bakit nga ba tuwing Friday lang pwede? Ano bang sikreto nya?
Bakit kahit tuwing Friday lang kami nagkikita, hulog na hulog ako sa kanya?
Ako si Janus at yung babaeng 'yon, sya si Nikola. Ang girlfriend ko tuwing Friday.
ENJOY READING!!! ♥