weirdjtt
- Reads 1,452
- Votes 21
- Parts 20
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabi-kabila ang madudugong labanan sa maraming panig ng Europa hanggang Hilagang Aprika at sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Ngunit isa pang malagim na kaganapan ang dumagdag pa sa mga dahilan kung bakit ang digmaang ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamadilim na yugto sa kasaysayan ng mundo at ng sangkatauhan, ang Holocaust, itinuring ng mga Nazis na kanilang 'final solution to the Jewish question'.
Tinakasan ni Helmut ang isang nagawang krimen sa kanyang pinagmulang lungsod subalit ang inaakala niyang ligtas nang pagtatago ay naghatid sa kanya sa isang naiibang piitan. Bilanggo na siya doon, hindi dahil sa hatol sa lihim ng kanyang nakaraan kundi sa pagiging kalahi ng karamihan sa mga nakakulong doon. Bawat araw sa pook na iyon ay trahedya at kawalan ng kasiguraduhan kung hindi man ng pag-asa. Ngunit sa mismong lugar at pang-araw-araw na kalagayan, namulat ang kanyang isipan at puso sa mga reyalidad at ilusyon sa buhay hanggang sa ang tanging hangad na niya bago ang wakas, higit pa sa kanyang kalayaan, ang kaligtasan.