Kinguesu
Matte iru geijutsu (The Art of waiting) kwento ng isang binatang nagngangalang Ichiko na iniwan pero piniling maghintay sa pagbabalik ng kanyang minamahal. Sa kalagitnaan ng kanyang paghihintay ay may isang babaeng dumating at nag ahon sa kanya mula sa kalungkutan. Sirie, madaldal at nakakairitang tipo ng babae. Isang babaeng inakala niyang hinding-hindi niya magugustuhan at makakasundo.
Hanggang sa dumating ang araw na kanyang pinakahihintay. Yung araw na inaakala niyang masasagot ang kanyang mga tanong, yung araw na inakala niyang maiintindihan niya ang lahat. Yung araw na nagbalik si Tanya at dito natin matutuklasan kung ano ang kinalabasan ng kanyang sining ng paghihintay.