Serenity's Approved/Published Novels
9 stories
Sweet Experiment (Approved under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 5,260
  • WpVote
    Votes 92
  • WpPart
    Parts 11
(Soon to be published) Aiden and Riley
Love By My Kidnapper (Approved under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 83,776
  • WpVote
    Votes 1,689
  • WpPart
    Parts 16
(Soon to be published) Hunter and Samanta May balak na magpakasal si Samanta sa boyfriend niyang artista na si Samuel. Pero lihim lang 'yon at pumayag naman siya. Pero sa araw ng kanyang kasal ay hindi siya nakadalo dahil may kumidnap sa kanya. Nagising na lang siya na nasa poder ni Hunter, ang kanyang boss sa kompanyang pinagtatrabahuan niya bilang secretary nito. Sa pananatili sa isla ay nalaman niya na mahal pala siya ni Hunter at kaya siya kinidnap ay dahil hindi ito papayag na makuha siya ng iba. Pero hindi niya ito gusto dahil mas lamang pa rin si Samuel kaso nalaman naman niya na iba ang pinakasalan ng lalaki. Kaya nagpasya siya na sa isla na lang muna manatili. Plano niya na gantihan si Hunter dahil ito ang sumira ng kanyang pangarap na maikasal. Pero hindi niya akalain na mahuhulog ang loob niya kay Hunter.
Heaven By Your Side (Approved under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 19,514
  • WpVote
    Votes 236
  • WpPart
    Parts 14
(Soon to be published) Heaven and Ryder
Shower Me With Your Love (Approved under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 49,124
  • WpVote
    Votes 1,186
  • WpPart
    Parts 18
(Soon to be published) Shower Me With Your Love Kean and Odessa Si Kean Marie Medrano, isang bilanggo na nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa isang kaso na hindi niya ginawa. Sa kanyang pagtakas upang linisin ang kanyang pangalan ay nagsangga ang landas nila ni Odessa. Si Odessa ay isang heartbroken dahil sa nasaksihan niyang kataksilan ng kanyang boyfriend at talagang minalas siya dahil na-carnap pa ang taxi na kinalalagyan niya ng takas na bilanggo na si Kean. Dapat natakot si Odessa kay Kean dahil isa itong delikadong tao pero nang dahil sa pagmamakaawa nitong iligtas niya ang buhay nito ay parang hangin na nawala ang takot niya. At hindi akalain ng dalaga na nang dahil doon ay kasabay ding lumambot ang puso niya para sa binata. She fell inlove with him...
Sweet Surrender (Published under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 61,711
  • WpVote
    Votes 1,083
  • WpPart
    Parts 16
Published! Please grab a copy for only Php42.00 thank you. Available in PPC stores, NBS and other bookstores nationwide :) "I'm crazy. Pero ganoon man ang tingin mo sa 'kin, sisiguruhin kong mamahalin mo ang baliw na tulad ko." Masaya na si Erin kay Randall. Ganoon naman talaga kapag ang boyfriend mo, bukod sa guwapo ay makisig pang secret agent. Lapitin ito ng mga babae. Hindi nauubusan si Randall ng mga babaeng umaali-aligid dito. Pero sigurado siyang kanya lang ang pagmamahal ng boyfriend niya. Akala lang pala iyon ni Erin-dahil nakita niya si Randall na may kasamang ibang babae. She realized he would not change his womanizing ways. She left for the US. Pero nang magbalik si Erin sa Pilipinas ten years later, nagkita na naman sila ni Randall. Gusto nitong magkabalikan sila. Aba! Ano ang akala ng lalaking ito? Madali lang ang lahat? Niloko siya ni Randall, pinaasa na siya lang ang babae sa buhay nito. Pero patutunayan daw ni Randall sa kanya na nagbago na ito. Kaya nga bang magbago ni Randall? Mahal pa rin ni Erin ang lalaki hanggang ngayon, pero natatakot siya na ipagkatiwala rito ang kanyang puso...
Amara's Tale (Published under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 55,125
  • WpVote
    Votes 866
  • WpPart
    Parts 20
Published! Please grab a copy for only Php50.00 thank you. Available in PPC stores, NBS and other booktores nationwide. "Mahal kita kaya hindi ko kayang makita kang malungkot. Hindi bale nang magmukha akong clown, ang mahalaga napangiti kita." Hindi feel ni Amara si Radius Guevarra, lalo na ang pangungulit nito. Alam niyang pinagtitripan lang siya ni Radius, na-challenge sa isang tulad niyang demure at fragile, ibang-iba sa mga babaeng nakasalamuha nito sa France kung saan ito nagtapos ng pag-aaral. Pero sorry na lang si Radius dahil ang mga mata at puso niya ay nakatuon lang sa iisang lalaki-kay Randall, ang kuya ni Radius. Pero nang manganib ang buhay ni Amara, ipinagkatiwala siya ni Randall kay Radius para bantayan. Dinala siya ni Radius sa Bicol para ilayo sa mga taong nagtatangka ng masama sa kanya. Hindi alam ni Amara kung may mahikang hatid ang kagandahan ng Bulkang Mayon na naging saksi sa mga pamamasyal nila ni Radius. Sa bawat araw kasi na magkasama sila, hindi na siya naiinis sa lalaki dahil ginagawa nito ang lahat para mapasaya siya. Nabaril pa ito sa pagsagip sa kanya. Hindi puwedeng magkaroon siya ng ibang damdamin para kay Radius. Nakakahiya kung may nararamdaman siyang something sa kapatid ng lalaking iniibig. Pero nang matikman ni Amara ang yakap at halik ni Radius, naguluhan siya. Sino na ba sa magkapatid ang mas matimbang sa kanyang puso?
Curse Of Love (Published under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 48,289
  • WpVote
    Votes 422
  • WpPart
    Parts 9
To be completed in wattpad. Raw/Unedited. Published! Please grab a copy for only Php42.00 thank you. Available in PPC stores, NBS and bookstores nationwide. "Gagawa ng paraan ang tadhana para tayo ang magkatuluyan. We are meant for each other." Naniniwala si Andrea na isinumpa siya ni Lemuel, ang kaibigan niyang nagpakamatay dahil binasted niya. Ayon sa suicide note na iniwan nito, isinusumpa nitong hindi siya magiging masaya. Ayaw sanang maniwala ni Andrea sa sumpa, pero nang lokohin siya ng lahat ng naging boyfriend at layuan ng mga manliligaw, naisip niyang totoo ang sumpa. Bahala na si Batman kung may lalaking darating na magmamahal sa kanya. Then Leon came into the picture. Gusto raw nitong makipaglapit sa kanya. Ayaw sanang pumayag ni Andrea, lalo pa at attracted siya kay Leon-isa itong heartbreak waiting to happen-pero namalayan na lang niyang napasok na nito ang kanyang buhay, at walang ka-effort-effort na nasungkit ang kanyang puso. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ang sarili ang inaalala ni Andrea. Natatakot siyang maapektuhan ng sumpa si Leon kaya urong-sulong siya. Kaya lang, hindi naman yata ang sumpa ang maglalayo sa kanya kay Leon. Ito mismo ang gagawa ng paraan. Dahil hindi pala siya ang pakay ni Leon sa paglapit-lapit sa kanya kundi ang kanyang best friend... Ah, mukhang talagang mabagsik ang sumpa ni Lemuel. At ngayon lang siya nasaktan nang husto.
Making Her Mine (Approved under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 90,927
  • WpVote
    Votes 1,212
  • WpPart
    Parts 20
(Soon to be publish) Making Her Mine Naiwan si Alyana sa mansyon ni Doña Tacion upang magtrabaho sa murang edad pa lang niya. Ang kanyang kapatid na si Marcus na dapat na kasama niya ay umalis at nangako na babalikan siya. Pero labing-limang taon na ang nakalipas ay walang Marcus na dumating. Si Rozen, dumating siya sa Bicol at hindi inasahan ni Alyana na magkakagusto ito sa kanya ngunit sandali lang pala iyon dahil may dahilan pala kaya ito lumalapit sa kanya. Nasaktan siya nang dahil doon. Sa wakas, dumating na Marcus, tinupad nito ang pangako na papaunlarin ang sarili. Pero may lihim din pala ang binata at hindi iyon inaasahan ni Alyana. Hindi maaari ang nararamdaman nilang pag-ibig sa bawat isa. Mali iyon sa mata ng Diyos. Bumalik si Rozen, humihingi ng second chance. Makakaya niya kayang pagbigyan ito? Pero paano ang damdamin niya kay Marcus? Sa totoo lang kasi ay kalahati ng katawan niya ay nasa kumunoy na ng pag-ibig para dito. Hiling lang niya na sana ay makaahon pa siya.
My Amnesia Wife (Approved under PHR) by MsSummerWriter
MsSummerWriter
  • WpView
    Reads 173,364
  • WpVote
    Votes 2,183
  • WpPart
    Parts 17
(Soon to be publish) Stanly and Eliza story My Amnesia Wife Isang masugid na manliligaw si Stanly--- makulit ang binata at persistent, hindi talaga ito marunong sumuko kahit na makailang ulit ng binasted ni Eliza. Sabi pa ng binata ay hindi daw siya titigilan nito hanggang sa makamit ang kanyang matamis na 'oo.' Pero ayaw ni Eliza sa lalaki. Bukod kasi sa napi-preskuhan siya sa binata at sa paningin pa niya ay sobrang yabang nito ay natatakot ang dalaga na baka maparis siya sa kanyang ina na nagmahal ng isang mayamang lalaki pagkatapos ay iniwan na lang. Ayaw niyang masaktan tulad ng naranasan ng kanyang ina kaya nga ipinangako ni Eliza sa sarili na magmamahal siya ng lalaking ka-level lang niya. Pero makulit si Stanly, ipinipilit nito ang sarili sa kanya hanggang sa nagtagumpay na itong maangkin siya dahil sa isang aksidente...