Loafye
A story inspired by the song "Multo" by Cup of Joe
Sa mundo ng mga lihim at tanong na hindi mabigkas, si Jeo, isang bagong salta sa lungsod, ay tila laging may bitbit na multo ng nakaraan. Tahimik, matalino, at laging may dalang kamera-maraming nagnanais makilala siya, ngunit isa lang ang gustong makalapit: Calvin, ang tahimik na artist na may pusong kay lambot ngunit takot magmahal.
Hindi nila agad napansin, pero habang lumalalim ang gabi at lumalalim ang usapan, unti-unti nilang nakikita ang mga sarili sa isa't isa-ang parehong takot, parehong tanong, at parehong damdaming pilit tinatago. Ngunit paano kung ang pagmamahalan nila'y tulad ng multo? Laging nararamdaman, pero takot silang yakapin.
"Kung nandiyan ka nga, ba't 'di ka magpakita?"
Sa pagitan ng mga titig, tula, at tahimik na pangungusap, masusubukan nila kung sapat ba ang damdamin para buhayin ang isang relasyong hindi sigurado kung totoo o kathang-isip lang.
"BL. Angst. Romance. A love that haunts you until you dare to believe it's real."