Behind The Scenes
yanie_26
"Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero kung minsan, hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hilingin na sana hindi nalang scripted ang love story natin."
~Jenny Paraiso
~×~×~
Baduy manamit, mahilig sa libro at parating ilag sa tao. Yan si Jenny Paraiso. Dalawampu't tatlong gulang na pero NBSB parin. Walang panahon sa lovelife dahil kayod kalabaw sya para mapag-aral ang nakababatang kapatid.
Pero ang maliit at tahimik nyang mundo ay magugulo nang maging "girlfriend" sya ng lead vocalist ng sikat na bandang Redline na si Rain Francia. Na kung saan mapipilitan silang magpanggap na inlove sa isa't-isa sa harap ng maraming tao.
Posible nga kayang maging totohanan ang mga ipinapakita nila sa harap ng camera? O mananatiling palabas lang ang lahat?