Rarerity08's Reading List
106 stories
KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart? by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 126,145
  • WpVote
    Votes 2,004
  • WpPart
    Parts 23
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang katuparan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience--sa anumang paraan. ____ **from the works of Martha Cecilia**
Second Best - Angel Bautista by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 23,872
  • WpVote
    Votes 364
  • WpPart
    Parts 11
"Kailangan kong malaman kung alam mong ikaw lang ang gusto kong hawakan at halikan tuwing hinahawakan at hinahalikan kita." Buong buhay ni Jasmine, pakiramdam niya ay natatakpan siya ng anino ng kanyang panganay na kapatid. Her older sister Jessica was beautiful, intelligent, and perfect. Masyado niyang mahal ito para magselos siya rito. Kung magiging runner-up lang din siya, wala siyang angal kung sa ate niya siya runner-up. Maliban na lamang sa kaisa-isang bagay-sa pagmamahal ni Milton Esguerra, best friend nito at first and only love niya. After five years of being away, Milton came back for her sister. He was too late, though. Ikakasal na kasi ang ate niya. Siya ang napagbalingan ni Milton. Papayag ba siyang maging panakip-butas?
When The Love Falls - Maricar Dizon by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 25,683
  • WpVote
    Votes 321
  • WpPart
    Parts 10
"You don't have to wait anymore. I will not allow you to wait for a man other than me." Jemelyn was a conservative and hard-working career woman. At kapag sinabi niyang "conservative," that meant, hindi siya basta-basta bumibigay sa mga lalaki. Hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo ng isang lalaki... mas tinitingnan niya ang ugali na malaking kabaligtaran ni Dillion Smith, ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang galitin siya. Yes, he was dangerously handsome, pero masyadong mataas ang self-confidence nito na labis na kinaiinisan niya. Ayaw na ayaw niyang naglalalapit ito sa kanya. Pero nagbago ang tingin niya rito nang minsang iligtas nito ang buhay niya. Nakita niya ang magagandang katangian ng binata. Hanggang sa nahulog ang loob niya rito. Pero hanggang saan siya dadalhin ng nararamdaman niya gayong nabalitaan niyang may iba pa palang dahilan ang pagliligtas nito sa buhay niya?
PHR: I'm Crazy For You (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 51,583
  • WpVote
    Votes 665
  • WpPart
    Parts 8
"Isusulat mo ito sa nobela mo, Maxine... 'She opened to him like a flower drinking in rain. Her mouth was soft and inviting. His tongue slid between her lips... And she was lost,'" he murmured as his mouth did what he just narrated. Kinasusuklaman ni Maxine ang mga lalaking tulad ni Leandro Villarica, mga lalaking nagsasamantala at naglalaro sa mga mahihinang babae. Oh, yes, he was rich and gorgeous, mga katangiang sapat upang sambahin ito ng mga babae. Pero hindi siya. Magyeyelo na muna sa impiyerno bago siya maging biktima nito. Having Maxine in his house was pure hell! Kung alam lang nito ang kababalaghang nagaganap sa katawan niya tuwing tititigan siya nito. Pero kinasusuklaman siya nito, which made him want her all the more. Pero paano ito mapapasakanya nang hindi kailangang mabanggit ang salitang "kasal"?
KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED) by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 191,572
  • WpVote
    Votes 3,277
  • WpPart
    Parts 23
Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of love... of tenderness. He was angry and bitter. Tulad ng dalawang kasamahan niya--ex-SEAL Ivan and Brad--nakikipaghamok siya na tila ba wala nang bukas. Until an exotic stranger proposed to him. Walang dalawang tao na noon lang nagkita ay magpapakasal sa isa't isa. But the lady was desperate to marry anyone available. And he would rather be the one. Ano ang mawawala sa kanya kung sasang-ayunan niya ang alok ng estrangherang pakasalan niya ito? In one moment of madness,he gave his name to a dark beauty but a stranger. Only that stranger happened to be Jessica Fortalejo--the youngest heiress of the Fortalejo Empire. _____ **all credits goes to Martha Cecilia**
TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEF by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 88,059
  • WpVote
    Votes 3,898
  • WpPart
    Parts 10
Parang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years ago, pero sinaktan lang siya nito sa pagsasabing kailanman ay wala itong sineryosong babae sa buhay nito. May expiry date daw ang pakikipagrelasyon nito sa isang babae, at isa lamang siya sa mga babaeng wala itong balak na seryosuhin. At ngayon ay nagbalik ito sa buhay niya at sinabing "I'll definitely win you back." Ninakaw na nito dati ang kanyang puso, hahayaan ba niyang nakawin uli nito iyon sa ikalawang pagkakataon? Ang sabi ng isip niya ay "hindi," pero kabaligtaran niyon ang sinasabi ng kanyang puso...
Marrio (The Playful Heart) PREVIEW by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 395,767
  • WpVote
    Votes 6,872
  • WpPart
    Parts 30
Mahinhinon Virgins book 2: Lemuella (a.k.a Ellah) Romcom. Unedited. Warning: HINDI PARA SA MGA BATA.
LA CASA DE AMOR - HECTOR by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 47,887
  • WpVote
    Votes 2,125
  • WpPart
    Parts 42
Mahal na mahal nina Hector at Gemma ang isa't isa. Iyon nga lang, hadlang ang mama ni Gemma. Ayaw nito sa kanya dahil ang gusto nito para sa dalaga ay ay isang lalaking kapantay nito ang estado ng buhay. Mayaman, sa madali't sabi. At dahil naging constant sight na sa tabi ni Gemma si Greg-ang lalaking gusto ng mama nito para dito, nagpasya siyang gawin ang karaniwang ginagawa ng mga kabataang sinisiil. Nagtanan sila. Subalit binawi din si Gemma ng mama nito. Wala siyang nagawa. Twelve years later, nagkita silang muli. At sinalubong siya ng mga mata ni Gemma na puno ng poot. Gemma Mauricio-his first and only love, his first and forever heartache... Wala na kayang second chance ang pag-ibig nila? ***** Is love really lovelier the second time around? Iyon ang gustong paniwalaan ni Gemma. Pagkatapos ng muling pagtatagpo ng landas nila ni Hector at paghupa ng galit ay natuklasan niyang mahal pa rin niya ito. Siguro ay iyon na ang pagkakataon niyang lumigaya. Pero natuklasan niyang nakatakda na palang ikasal si Hector sa iba. Masasaktan na naman kaya siyang muli? Published by Precious Pages Corporation
Wedding Girls Series 08 - ADRIENNE BLYTHE - The Caterer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 143,385
  • WpVote
    Votes 3,746
  • WpPart
    Parts 19
I'll tell you that I love you because I want you to be beside me every morning that I wake up and share each breakfast together. I'll tell you that I love you because I want to spend the rest of my life with you. Andie, that's how I really feel right now." *** Madalas ay nakatitig si Andie sa kabilang bahay. Kung mansyon ang turing niya sa bahay na pinagbabakasyunan niya, mas mansyon ang sa kabila. Naalala niya ang kuwento tungkol kay Jesse-ang may-ari ng kabilang bahay. One of the most sought-after bachelors in the city. Ang angkan ay isa rin sa pinakamayaman sa Baguio. And so? Tahimik na react niya na may kasali pang pagtataas ng kilay. Bakasyunista siya. Hindi siya naghahanap ng lalaki. He's rich. At hindi lang basta guwapo. He had the face, the stance, the personality. Kahit na suplado ito, tila nakakadagdag pa iyon sa karisma nito. He definitely had the elements to be tagged as one of the most sought-after bachelors in the city. And so again? Bakit ba ang lalaking iyon ang iniisip niya? Kungsabagay, attractive namang talaga ang lalaki. "But I'm not attracted to him," sabi niya sa sarili. Yeah, hindi ka nga attracted. Kaya nga ganoon na lang kung makatitig ka sa katawan ni Jesse. Ano na nga iyong naisip mo kanina? He's sexy.
The Demon General's Young Wife by the_virgonian
the_virgonian
  • WpView
    Reads 1,372,416
  • WpVote
    Votes 20,378
  • WpPart
    Parts 106
Apat na taon nang kasal si Shu sa isang lalaking hindi niya pa kailanman nakikita o narinig ang boses. Hindi siya dapat ang ikakasal dito; dapat ay ang nag-iisang anak na babae ng mayamang pamilyang pinagtatrabahuhan ng kanyang ina. Isang magulong kwento, basta ang alam niya, nagising na lang siyang kasal sa isang estranghero. Ang tanging nalalaman niya ay mataas ang katayuan nito sa buhay at isang Heneral na protector ng nag-iisang anak ng First Family ng bansa. Ayon sa mga naririnig niya, malupit, istrikto, at may nakakatakot na aura ang lalaking ito. Subalit sa kabila ng takot na nadarama niya, patuloy pa rin siyang umaasa na darating ang araw na makikita at makikilala niya ito. Minsan, naiisip niya kung ano kaya ang hitsura ng kanyang asawa, at kung paano siya makakaramdam kapag sa wakas ay magkasama na sila. Sa bawat araw na lumilipas, nagiging mas matindi ang kanyang kuryusidad, kahit na may halong takot at pangamba.