chrstinta's Reading List
6 stories
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,388,163
  • WpVote
    Votes 41,122
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,992,338
  • WpVote
    Votes 1,322,545
  • WpPart
    Parts 54
THE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you shared with your first boyfriend, those failed recitations that your classmates don't seem to forget, and those poor outfit ideas that you once thought were cute. Iyong mga dating nakakahiya, nakakainis, at masakit para sa 'yo, pagdating ng araw, ngingitian mo na lang. Maybe by then, you'll realize how much time you've invested in being too emotional. Pero may mga bagay na kahit matagal nang nangyari, hindi natin magawang tawanan. Siguro dahil nakakahiya pa rin? Siguro dahil nakakainis pa rin? O siguro, dahil masakit pa rin? For Amari Sloane Mendoza, it's all of the above. Among all the awkward, failed, and poor instances, falling in love with her classmate, Leon Ysmael Zamora, is the only mistake she can't laugh about.
Socorro by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,918,769
  • WpVote
    Votes 84,823
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorro from pursuing her dreams and passion for writing. Despite living in the 19th century, she believes women can also do great things like men. Being the next daughter to be sent off to an arranged marriage like her older sisters, she's now determined to create her destiny and break every single custom of what a woman was taught to do. She earns money by writing love letters as a ghostwriter. Everything seems to work according to her plan until she meets a young nobleman who can catch her lies and make her feel the love she thought only exists in books. Book cover design by @mariya_alfonso Language: Filipino Date Started: October 31, 2021 Date Finished: June 18, 2022
Could Have Been but Never Was (Loser #4) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 6,687,326
  • WpVote
    Votes 200,360
  • WpPart
    Parts 36
THE LOSERS' CLUB SERIES #4 How does it feel to live with tons of what ifs and should-have-beens? Knowing that under different parameters, you could have worked it out. Knowing that if you only weathered the storm together, you could have built a home in each other's arms. Napakaraming sana--ganiyan ang naging takbo ng buhay ni Ysabelle Katana Montecer. Sana mayaman siya. Sana mas maganda. At sana may kapangyarihan siyang ibalik ang oras. If only she had listened to the little voice in her head, she could have been in a relationship with the only man who ever caught her attention--River Mattias Fuentabella. But it was too late for her. She was a ticking time bomb waiting to go off. A heartbeat away from silence. Kahit ayaw niya, kailangan niyang tanggapin ang hatol ng tadhana. River would always be out of her reach. He was close, but not too close enough for her to hold. They could have happened. They could have been together. But sadly, they never were.
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,173,986
  • WpVote
    Votes 182,352
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,630,254
  • WpVote
    Votes 586,623
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020