HMS_QUEEN3-
Unang kwento sa series na "Ang Tatay Kong"
Lumaki si Alex na hindi kinikilala ang ama dahil ayon sakanyang ina ay iniwan siya. Ang alam ng kanyang ina ay isa itong sundalo na naka distino sa kanilang bayan hanggang sa lumipat ito at hindi na nagparamdam.
Payapa ang kanilang buhay hanggang sa namatay ang kanyang ina dahil sa aksidente, nabungo siya ng sasakyan. Sa burol ng kanyang ina, maraming mga sundalo ang nagpakita kasama ng isang gwapo ngunit medyo may katandaan, at machong lalake na naka uniporme din. Tinawag siya ng kanyang mga sundalo na Heneral. Nabulabog nalang si Alex nang nagpakilala ito bilang Ama niya.
Sasayang ayon ba si Alex na sumama sa kanyang ama o manantili nalang siyang mag isa sa buhay? Tunghayan.