Maricardizonwrites
9 stories
THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 396,681
  • WpVote
    Votes 12,386
  • WpPart
    Parts 35
THIRTY FIVE years old na si Arci Marie Roque at matagal na niyang tanggap na hindi para sa kaniya ang pag-aasawa. Lahat ng pagmamahal at atensiyon niya ay ibinubuhos niya sa kanyang pamilya, sa bestfriend niyang si Jaime at sa kpop idols na pumupuno sa bawat pader ng kanyang kuwarto. Kaso worried ang pamilya niya. Kinumbinsi siya ng mga ito na magbakasyon para may makilala raw siyang lalaki. Tinawanan lang ni Arci ang mga ito pero during her birth month, nagpunta siya sa Taipei. At doon hindi inaasahang nagkita sila ni Gray Delan, ang masungit at snob niyang boss. For eight years, parehong hindi maganda ang impresyon nila sa isa't isa. But she had the surprise of her life when she ended up liking Gray during the time they were in Taipei. Lalong nabulabog ang puso at isip ni Arci nang pag-uwi niya sa Pilipinas, bigla naman nag propose sa kaniya ang bestfriend na si Jaime, na sa totoo lang ay ideal man niya at love ng buong pamilya niya. Na-confuse si Arci. Pipiliin ba niya ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng kilig at saya for the first time in her life? O tatanggapin ang proposal ng lalaking deep inside ay matagal na niyang hinihintay?
Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,476,265
  • WpVote
    Votes 32,524
  • WpPart
    Parts 39
"Kailangan lang palang makilala ko ang tamang babae para gustuhin kong lumagay sa tahimik. Mabuti na lang, nakilala kita." Brokenhearted si Almira nang makita niya si Brad sa pangalawang pagkakataon sa Las Vegas. Ang dating masayahin at laging may nakahandang charming smile na Brad Madrigal ay miserable naman sa pagkakataong iyon. Kailangang magpakasal ni Brad sa isang babaeng hindi nito mahal. That night, they found comfort in each other. Kinabukasan, nang magising si Almira ay naroon na siya sa hotel room ni Brad. Kapwa wala silang maalala sa mga nangyari kagabi pero alam nilang may namagitan sa kanila! Inakala ni Almira na hanggang doon na lang ang magiging koneksiyon niya sa binata. Pero dumating ang isang package mula sa Las Vegas. Ang laman-isang marriage contract... At silang dalawa ni Brad ang nakapirma. She was married to a famous and internationally awarded celebrity! PS: dahil published na ang story na ito kaya asahan na po ninyo na may mga eksena sa libro na wala dito sa wattpad. enjoy reading!
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 790,884
  • WpVote
    Votes 18,113
  • WpPart
    Parts 25
May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya. Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.
Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 2,277,184
  • WpVote
    Votes 42,814
  • WpPart
    Parts 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang siya at matapobre kaya ganoon siya umakto. Hanggang sa may makadiskubre na mas matindi ang kondisyon niya kaysa inakala ng lahat. And the person who discovered it happened to be Draco Faustino-ang huling taong gusto ni Janine na makaalam ng kanyang sekreto, and who also happened to be her stepbrother. Teenagers pa lamang ay may tensiyon na sa pagitan nina Janine at Draco kaya hanggang maaari ay iniiwasan ni Janine ang binata. Matindi rin ang pag-iwas nito sa kanya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bigyan siya ni Draco ng proposisyon-tutulungan siya nito para mawala ang mysophobia niya. "I'll get close to you until you get used to it... Hanggang sa imbes na umiwas ka ay hahanap-hanapin mo pa ang haplos ko, until you crave to touch me in return." Natagpuan ni Janine ang sarling pumapayag. Because deep inside her, she wanted to get close to him. Kahit ang kapalit pa niyon ay ang pagkabuhay ng damdaming pinili
Bachelor's Pad series book 1: MR. INVINCIBLE by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,672,598
  • WpVote
    Votes 42,428
  • WpPart
    Parts 34
Maraming ginawang kasamaan noon si Daisy. Kaya gusto niyang ayusin ang buhay niya at patunayan ang sarili sa lahat. Subalit ang mga tao sa paligid niya duda na may kakayahan siyang magbagong buhay. Maliban kay Rob Mitchell, ang lalaking minsan ay tumulong sa kaniya nang gantihan siya ng mga babaeng nasaktan niya noon. Hindi itinago ni Rob ang interes nito kay Daisy. Kapag pakiramdam niya may problemang hirap siyang lusutan, tila hero na tumutulong kaagad sa kaniya ang binata. He makes her stronger and more determined to fix her life. Kaya hindi na siya nagulat ng isang araw ay magising siya at mapagtantong mahal na niya ang binata. Ngunit kung kailan akala ni Daisy perpekto na ang takbo ng buhay niya, nalaman naman niya na walang balak si Rob na permanenteng manatili sa buhay niya. Rob is determined to leave the country for good. Narealize ni Daisy... si Rob na yata ang karma niya. Because she never felt so hurt before until he told her he cannot stay.
Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,451,175
  • WpVote
    Votes 32,950
  • WpPart
    Parts 48
"Higit sa takot na masaktan at mahirapan, mas takot akong mabuhay na wala ka." Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magulang. Sila ang nagdedesisyon para sa kanya, maging ang kasintahan niya ay ang kanyang papa at mama ang pumili. But all Jesilyn wanted in life was to be free and explore the world... Kahit maiksing sandali lang. Kaya nang yayain siyang magpakasal ng kanyang nobyo ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa. Iyon na ang huling pagkakataon para magawa niya ang mga hindi pa nararanasan. Bitbit ang traveling bag at ang kanyang "treasured list of courageous things to do," nagpunta siya sa Singapore. Doon ay nakilala niya si Ryan Decena. Si Ryan ang naging companion ni Jesilyn habang nasa Singapore. He tolerated all her antics. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Unti-unti ay nararamdaman niya na pareho na silang nahuhulog sa isa't isa. Subalit may katapusan ang sandaling iyon. Kailangang bumalik ni Jesilyn sa Pilipinas at harapin ang realidad ng kanyang buhay. Inakala niyang hanggang doon na lamang ang magiging koneksiyon nila ni Ryan. Pero kaibigan pala ito ng kanyang nobyo. And when he realized who she was, he told her that they should forget everything that happened between them. Kung sana ay ganoon lamang kadaling gawin iyon...
SINGLE LADIES' BUFFET series by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 770,474
  • WpVote
    Votes 24,500
  • WpPart
    Parts 139
cover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap man lang ng kasintahan. Masaya na siya bilang directress ng eskuwelahang itinatag ng kanyang ina at inaalagaan ang mga batang estudyante nila. Hanggang sa makilala niya si Robin Villegas, ang antipatikong ama ni Nina, ang isa sa mga estudyante roon. Kung ano ang ikina-cute ng anak ni Robin ay siya namang ikinabusangot ng mukha nito. Tuwing nagkikita sila ay palagi silang nagbabangayan. Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay unti-unting nagbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng halos isang dekada, natagpuan niya ang sariling umiibig dito. Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila. Ngunit ayaw yata sa kanila ng tadhana, lalo na nang malaman niya ang isang bagay na halos dumurog sa puso niya. Mukhang hanggang sa mga oras na iyon ay kalaban pa rin niya ang nasirang asawa nito sa puso nito. Ano ang laban niya? book 1: WHEN HANNAH FELL IN LOVE [completed]
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,782,674
  • WpVote
    Votes 40,451
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,549,149
  • WpVote
    Votes 34,642
  • WpPart
    Parts 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman. Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation. Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?