mercidita129's Reading List
136 stories
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,691,002
  • WpVote
    Votes 38,539
  • WpPart
    Parts 41
Walong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita siya nito sa isang hindi magandang sitwasyon. "Instead of looking for other men to seduce, you will warm my bed as long as I want to. Of course, I will make sure to compensate you. However, I will not love you and you are not to fall in love with me. I will not marry you either. Are you willing to throw away all your love for money?" Parang patalim na sumaksak sa puso niya ang sinabi nito. Pero tinanggap niya iyon kasi umaasa siya na baka kapag hinayaan niya itong saktan siya ng ganoon ay mapatawad siya nito. "Matagal ko ng itinapon ang sinasabi mong pag-ibig Raiven." Iyon ang lakas loob niyang sinagot dito. Kahit ang totoo ay mahal na mahal pa rin niya ito...
WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's Kiss by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 292,153
  • WpVote
    Votes 7,789
  • WpPart
    Parts 18
Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang exclusive resort upang doon mag-isip. Isang gabi, habang nanonood siya ng meteor shower sa dalampasigan ay nakilala niya si Oliver. Simbilis ito ng bulalakaw na lumapit sa kanya, hinalikan siya sa mga labi, at nawala sa kanya. Nalaman niya na nagbabakasyon din ito sa resort na iyon. She was drawn to him because he didn't seem to recognize her as a member of a popular band. So she ended up spending her days... and night with him. Subalit kung kailan akala niya ay magkakaroon ng magandang patutunguhan ang namagitan sa kanila ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng paglapit nito sa kanya. Na mula umpisa ay alam nito kung sino siya. That for him, she was nothing but a job he has to do to save his precious magazine...
WILDFLOWERS series book 2: A Sinner's Temptation by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 349,412
  • WpVote
    Votes 8,766
  • WpPart
    Parts 19
"I kissed you to let them know that they can never have you." Utos ng music label ng Wildflowers na makipag-collaborate sila kay Adam Cervantes, rockstar/genius composer sa Hollywood na half Pinoy. Si Ginny ang napili ng producer nila na makatrabaho ni Adam. Ngunit kahit anong pilit ni Ginny ay hindi niya magawang makasundo ang lalaki. Kahit kasi ilang taon na sila sa Amerika ay naku-culture shock pa rin siya kapag si Adam na ang kasama niya. Kung gaano siya ka-conservative ay ganoon naman ito ka-liberated. But then, Adam also made her feel so many things so new to her. Until she fell in love with him. Ang kaso alam niyang laro lang para dito ang lahat. Adam never took any woman seriously. Alam niya na kapag na-bore na ito sa kanya ay iiwan siya nito nang walang pag-aalinlangan. And that would mean a broken heart for her. Magagawa ba niyang isugal ang puso niya rito?
WILDFLOWERS series book 3: First Love's Touch by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 499,957
  • WpVote
    Votes 12,547
  • WpPart
    Parts 32
"Hindi ko kayang magsulat ng kanta para masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko. I cannot even sing a song for you. All I can do is ask you this... marry me?" Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa bahay nila at makita ang mga magulang niya. Noon pa man kasi ay hindi na sang-ayon ang mga ito sa career na pinili niya. Ngunit nang magpunta siya sa bahay nila ay hindi ang mga magulang niya ang naabutan niya kundi si Theodore, ang ampon ng mga ito mula pa noong sampung taong gulang siya. He reminded her of all the things she thought she had already forgotten after all these years. Kasama na roon ang damdamin niya para dito na matagal na niyang pilit inaalis sa sistema niya pero hindi niya magawa. Nais niyang iwasan ito. Ngunit dahil sa isang sitwasyon ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging malapit sa isa't isa. And she ended up loving him even more. Ngunit kahit maraming taon na ang lumipas, alam niyang hindi ito maaaring maging kanya. She was trapped with a promise never to love him. And he was trapped with the memory of his own first love.
GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 362,250
  • WpVote
    Votes 10,377
  • WpPart
    Parts 47
Kuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa madaling araw ng bagong taon, nakilala niya si Wilma Sarza. From the moment he saw her, he knew she was dangerous. Hindi lang ito masyadong maganda at masyadong bata para sa kaniya, ninakawan pa siya nito ng halik bago sila naghiwalay. Kaya nang magkita uli sina Cenon at Wilma ilang buwan ang nakalilipas, desidido siyang iwasan ito kahit pa attracted silang pareho sa isa't isa. Pero sa huli, hindi rin nila napigilan ang nararamdaman. Iyon ay kahit puro problema, disapproval, panghuhusga, tsismis at kung anu-ano pa ang kinaharap nila. Hanggang isang araw, nalaman nilang konektado pala sila ng isang trahedya na nangyari sa nakaraan. Koneksiyon na mukhang makakasira sa kanilang nagsisimula pa lang na pagmamahalan.
Wildflowers series book 4: A Lover's Second Chance by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 578,771
  • WpVote
    Votes 16,749
  • WpPart
    Parts 36
"Maghihintay ako kahit pumuti pa pareho ang mga buhok natin. Kapag pagod ka na, gusto kong malaman mo na may uuwian ka." Carli married at a very young age. Noong una ay masaya ang pagsasama nila ng asawa niyang si Cade hanggang sa nagtagal ay nakita na nila ang pagkakaiba ng mga gusto nila sa buhay. Nais niyang maging isang sikat na singer habang ang nais ni Cade ay manatili lang siya sa tabi nito. Isang pangyayari sa buhay nila ang naging dahilan upang maghiwalay sila ng landas. Pagkalipas ng sampung taon, natupad ni Carli ang pangarap niya pero may hinahanap-hanap pa rin ang puso niya. At alam niya kung sino iyon... si Cade. Ang akala niya ay pagkakataon na iyon upang ayusin ang relasyon nila, pero ang isinalubong nito sa kanya ay annulment papers. Nais na nitong tapusin ang ugnayan nilang dalawa dahil may nakita na itong babae na ipapalit sa kanya.
Wildflowers series book 5: True Love's Passion by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 505,060
  • WpVote
    Votes 12,802
  • WpPart
    Parts 38
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang pagkahilig ni Yu sa drums at sa musika noong bata pa siya nang makilala niya si Matt na napadpad sa bayan nila. He was the one who introduced rock music to her. Ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog. Sa loob ng isang linggong nakasama niya ito ay nabago ang buhay niya. It was also the first time she learned how it feels to fall in love with someone. Ngunit kinailangan nitong umalis at ang tanging naiwan nito sa kanya ay isang lumang discman at pangalan nito. Sa paglipas ng panahon ang paghahanap dito ang naging motivation ni Yu para maging matagumpay na musikera. Ngunit kahit labinlimang taon na ang lumipas at sumikat na sila ay hindi niya nakita si Matt. Nang magpasya siyang sumukoay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. Again she strongly felt a mutual attraction from that moment. Ang akala niya magagaya na siya sa mga kaibigan niya na masaya sa piling ng mga mahal ng mga ito. Pero may isang sekreto pala si Matt na hindi nito sinabi sa kanya. Sekretong dumurog sa puso niya
Dear KILLER [Completed] by Yengkoy
Yengkoy
  • WpView
    Reads 1,547,532
  • WpVote
    Votes 57,513
  • WpPart
    Parts 50
유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon ang puso ko sa KABA? Nanginginig ang mga kamay ko sa TAKOT? At kinikilig ako sa NERBYOS?! Dahil sa wakas! Sumulat kana din sa akin! Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Syangapala, salamat sa Patay na Daga na pinadala mo sa akin. Naiisip ko tuloy na katulad ng patay na daga, ganun ka din kapatay na patay sa akin. Uhh, ang sweet mo talaga! Pero sana Red ko, pag nagpadala ka ulit ng love letter, lagyan mo naman ng heart ang YOU'RE DEAD! para kiligin naman ako. Palitan mo rin ang I HATE YOU sa I LOVE YOU. Wag ka rin masyado maglambing sa akin, baka mabasa ng parents ko ang I'LL KILL YOU na sinulat mo, strict pa naman sila. Daan ka lang sa bahay, Ok? Dala ka na rin ng kandila, para pagkatapos mo akong patayin, ipagtirik mo na rin ako para Romantic!♥ May nakalimutan pa ba ako? Oh! at saka I love you Red ko, mag date na lang tayo sa impyerno♥ Lubos na nagmamahal Tippy. (Ang Love Story na Pamatay Sa Kilig.)
Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 520,414
  • WpVote
    Votes 14,922
  • WpPart
    Parts 40
Book 1 of Story Of Us Trilogy Sa trabaho lang ni Bainisah bilang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitas ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon.
Paint My Love (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 829,413
  • WpVote
    Votes 13,175
  • WpPart
    Parts 14
Arthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho. Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan. Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.