Ang pagtingin ni Sun sa pag-ibig ay tulad din ng araw -- lulubog at lilitaw. Ngunit may ilang babae sa kanyang buhay ang nakapagpabago ng kanyang paniniwala.
Na di lahat ng kanyang iibigin ay tugma sa pagkakataon.
Na di lahat ng kanyang iibigin ay handang manatili.
At ang pag-ibig na wasto at mamamalagi ay isang araw-araw na dalangin.
"Paano ako mag mo-move-on kung nasanay na akong lagi siyang nasa tabi ko? Paano ko kakalimutan ang nakaraan kung pati yung future na binubuo ko ay kasama siya?"
"I have something to tell you. Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo noon. Wala akong lakas ng loob kasi kahit ako, hindi ko matanggap. Pero ang hirap palang pigilan. The truth is...."