belle_nc
- Reads 68,149
- Votes 2,841
- Parts 41
"Uhh...m-maybe you could discuss the name some other time, Sirs and Ma'ams." Umawat na ako bago pa kung ano ang masabi ninuman. Pakiramdam ko kasi ay biglang nagka-tensiyon sa loob ng silid.
"Are you both eyeing this girl?" Tumuro sa gawi ko ang CEO namin na tila hindi narinig ang sinabi ko. Napayuko ako.
"Well, I am," deklara ni Sir Maui. Nagulat ako nang diretsahang aminin niya iyon sa lahat. Alam ko namang may mangilan-ngilan nang nakakaalam sa opisina ng tungkol sa panliligaw niya sa akin, pero para makarating pa sa mga kataas-taasan sa kumpanya ang bagay na iyon, nakaramdam ako ng hiya.
Muli akong nag-angat ng tingin.
Ngunit mas ikinagulantang ko nang sumagot si Sir Frank.
"I am too."