harmonyxxghourl
Lahat na yata ng naging kaibigan ni Kesiah ay iniwan sya. Sino ba namang makakatagal sa ubod ng arteng babae diba? Aware naman sya sa ugali nya, minsan ay pinipilit nyang mag-adjust pero bigo parin sya, palibhasa'y lumaking may gintong kutsara sa bibig. Pero kahit na ganun ang ugali nya, natitiis parin sya ng kanyang kababata.
Until she met a guy, at sa pagkakataon na iyon nangako sya sa sariling mapapasakanya ang lalaking iyon. "I am Kesiah Sabrina Scarlet at lahat ng gusto ko ay mapapa-saakin." Ngunit liban sa kaalaman ng dalaga may isang lalaking may lihim na pagtingin sa kanya at eto nga ang kanyang kababata. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ito? Mananatili pa ba kaya ang kanilang pagkakaibigan?
"Paulit-ulit kitang hihintayin kahit sa dulo'y hindi ka mapa-saakin."