Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.
Marnigo's Stories
6 stories
My BEKSfriend (Marnigo) by tephoney
tephoney
  • WpView
    Reads 248
  • WpVote
    Votes 9
  • WpPart
    Parts 3
Matalinhagang pagmamahal ng isang tao para sa kanyang iniibig. Gagamitin ang malalalim na mga salita para ipadama ang tunay niyang nararamdaman para sa kanyang matalik na kaibigan. Malulutas kaya ng palaisipan ang nararamdaman ng puso? Malalaman kaya ang nakatagong kahulugan kapag nahulaan ang sagot sa tanong na MAHAL MO RIN BA AKO? Nagtatanong man pero patungkol ito sa pag-uugali mo, sa iniisip mo at sa nararamdaman ko sa iyo araw-araw. Sana mapatalas ng malalalim na mga salita ang iyong kaisipan at pangako, laro man para sa'yo ang binibigay ko pero hinding-hindi kita paglalaruan kahit na dalawa ang pagkatao ko. Hindi ko sasayangin ang pampalipas oras ko kung sa'yo lang mapupunta ang ilalaan kong panahon para sa'yo. Ibibigay ko pa rin sa'yo ang sigla't saya na parati kong ginagawa sa'yo. -Enigma Love by Tephoney
OPEN FORUM (Completed) by tephoney
tephoney
  • WpView
    Reads 4,080
  • WpVote
    Votes 121
  • WpPart
    Parts 27
TRY TO LIE ... IT'S OKAY TRY TO SPOIL ... IT'S OKAY TRY TO TO TELL or YOU WILL DIE Started: August 7, 2018 Ended: September 14, 2018
The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs) by tephoney
tephoney
  • WpView
    Reads 3,898
  • WpVote
    Votes 161
  • WpPart
    Parts 36
Highest Rank: #179 in Action MEET MARIS: Lahat ng mga saloobin niyang hindi niya mailabas-labas ay binibuhos niya sa paggawa ng kanta. Matalik niyang kaibigan ang gitara niya na siyang nagbibigay musika sa bawat letra't salita ng kanyang ginawang kanta pero lumaki siya na may takot, takot na mawalan ng minamahal dahil sa kanyang nakaraan pero kahit ganoon ay pinipilit niya pa ring labanan ang lahat ng kanyang pangamba. MEET LOISA: Ginagawa niya ang lahat habang kumakanta at hindi maikakaila na marunong siyang makisama sa iba't-ibang klase ng tao. Masayahin siyang klase na babae pero sa likod ng kanyang positibong buhay ay hinahanap niya pa rin ang kalinga ng kanyang mga magulang. Kaya lumaki siyang palaban at walang inuurungan. Kamuhian man siya sa pagiging prangka pero minahal naman siya ng mga taong nakakakilala sa kanya ng lubusan sa pagiging totoo. MEET KIRA: Because of music nawawala kahit papaano ang galit at pagkamuhi na kanyang nararamdaman. Kumakanta siya sa plaza with her guitar. Kaya hindi makakaila na kahit siya'y madilim dahil sa mga kuluriti sa kanyang mukha pero makulay naman ang kanyang aura dahil sa musikang kanyang kinakanta. She is still the angel of her parents when she sings. MEET YLONA: She might different because of her skin but she still stands out and a head turner because of her uniqueness especially her song compositions. She always win the fight. Kaya lumaki siya na sobrang daldal at makulet kahit na binubully na siya ng lahat. MEET ANDREA: At her very young age, she was well-known because of her acting and singing skills but she was famous because of musically. Alam niyang buo ang pamilya nila pero deep inside hindi sila masaya. Kaya lumaki siya na puno ng insecurities at attention-seeker. They are a complete family but they are incomplete dahil sa mga naghahanap ng butas masira lang sila lalo na ang kanyang tatay.
The Bakit List by tephoney
tephoney
  • WpView
    Reads 60
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
Sa buhay natin maraming katanungang puro bakit. Bakit minahal niya ko? Bakit pinaasa niya ko? Bakit iniwan niya ko? Bakit naghanap siya ng iba? Bakit hindi na lang ako ulet? Pero natanong mo na ba ang sarili mo, BAKIT ANG TANGA-TANGA KO? Iniwan niya na nga ako't naghanap siya ng iba, bakit minamahal ko pa rin siya at umaasa pa rin ako? Para ano? PARA AKO ULET? PERO BAKIT? BAKIT HINDI SIYA NAKUNTENTO SA'KIN???!!!!!!
Flowers Bloom (Completed) by tephoney
tephoney
  • WpView
    Reads 10,674
  • WpVote
    Votes 348
  • WpPart
    Parts 54
Kailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso ko. Inaasam ko pa rin na sana balang-araw ay mahagilap ko man lang kahit na ang anino mo. Bata man ako noon pero alam ko na ang salitang pagmamahal. Naramdaman ko yun nung tumibok ang puso ko sa unang pagkakataon sa edad na sampung taon. Nandun ang kilig. Nandun ang sobrang saya. Nandun ang tawanan. Nandun ang kulitan. Nandun ang paglalambing mo pero dahil sa'yo nasaktan din ako't umiyak. Hindi ka na bumalik muli. Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa'kin. Nangako ka sa edad na labing-tatlong taon. Tatlong taon ang pagitan ng edad natin pero ramdam ko ang sinseridad mo dahil umasa ako. Lumaki man ako nun sa bahay-ampunan ay pinunan naman ni mother ang kulang sa'kin. Buo at totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sa'kin. Kuya ko magpakita ka na. Nasa'n ka na? Tatlong taon ang lumipas nung hindi ka na nagpakita ay umaasa pa rin ako pero natuto akong buksan ang puso ko para sa iba. Ngayon ay apat na taon na kami, kuya. Malapit na ring maging labing-isang taon na hindi ka na nagpapakita sa'kin. Masakit isipin pero umaasa pa rin ako na makikita kitang muli. Gusto kong sabihin sa'yo na salamat sa mga sayang idinulot mo sa buhay ko. Gusto kitang makita. Magpakita ka na. Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo. Gusto kitang tanungin ng bakit. Gusto kong pakinggan ang mga dahilan mo. Magpakita ka lang. Tatanggapin kita ... bilang nakaraan ko na lang.
Knot of Destiny  (Marnigo) by tephoney
tephoney
  • WpView
    Reads 554
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 5
Akala ko siya na pero siya pa rin pala subalit hindi ko inasahan na masasaktan ako dahil sa katotohanang siya pala ang pumatay sa tatay ko. Tama ba ako sa mga narinig ko o mali lang ako sa nakita ko?