GinoongBarney
- Reads 159,062
- Votes 4,547
- Parts 140
Pinatay nila ang katahimikan sa loob ko-hindi biglaan, kundi sa paulit-ulit na sakit na unti-unting bumuo ng taong hindi ko na makilala. Lumaki akong laging mali sa paningin ng mundo. Laging kulang. Laging iba.
Sa eskwela, ako ang laging tampulan ng tukso. Sa bawat tawanan nila, may parte ng akin na nababasag. Sa bawat "biro," natutunan kong itago ang sarili ko. Sa bahay, ang tatay ko ang unang nagpaalala na mali ang pagiging ako. Sa bawat sigaw niya, unti-unti akong nawala sa sarili ko. Ang mga pinsan ko naman ang nagpatunay na kahit pamilya, kaya kang ituring na wala.
Hanggang sa dumating si Kaelth Morenzo-ang unang nagbigay sa akin ng pag-asa. Naniwala akong baka pwede akong mahalin nang totoo. Pero iniwan din niya ako.
Si Mama lang ang naging sandigan ko. Pero kinuha rin siya sa akin. Ngayon, sugat na lang ang natira.
At isang tanong ang paulit-ulit na bumabalik:
Paano kung hindi pa ito ang katapusan?
Dahil sa pangalan ni Kaelth... may katotohanang biglang bumukas.
At doon nagsimulang magbago ang lahat.
----------------------------------------------------------------------------------------------
This story is a revised story of my book. I wanted to change the characters and polished the plot and chapters here. If you're a reader of this book, you might see some changes.
This book is a BL pop-fiction story that has a lot of changes and unexpected scenarios. If you want to read this, free to read and like every chapter.