When We See the Stars
iamasphodel
- Membaca 79
- Suara 3
- Bagian 27
Tumayo na siya at naglakad na papalayo. Dirediretso, ni hindi man lang siya lumingon. Nasaktan ako, pero hindi na ganon kasakit. Siguroy dahil sa inasahan ko na ito. I saw this coming from the moment he sat beside me. Ganyan ka naman magaling kuya eh. Sa pagtatalikod. Sa pang iiwan.
"Kuya!" I shouted. Hindi ako matatahimik. I need those damn answers.
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa rin lumilingon. Tumakbo ako papalapit sakanya at tumigil lamang ng halos isang metro
na lang ang layo namin sa isa't isa.
"Kuya, noong isang araw," sobrang
bilis ng tibok ng puso ko na parang sasabog na ito. Kinakabahan man
ako, alam ko namang mas matatahimik ako kapag nailabas ko ito.
"Kuya nung umuwi ka ba sa bahay hinintay mo ako?"
Please sabihin mong oo, please, please.
"Hindi eh," sabi niya habang nakahawak sa ulo niya.
Nanlumo ako. Nanlambot ang mga tuhod ko. Nawala ang tapang na matagal ko ng inipon. Dalawang salita. Dalawang salita lang yung galing sa kanya at nanghina na agad ako.
Hindi daw Mike. Hindi. Kaya tigilan mo na yang pag iilusyon mo. Tigilan mo na ang mga pag asa mo sa maling tao.
"Binisita ko lang
sina mama tapos umalis na ako. Bakit? May problema ba?"
Huh! Uulitin ko Mike, hindi, hindi ang sagot niya kaya utang na loob tigilan mo na ang pag iilusyon. Hayaan mo na ang sarili mong sumaya ng wala siya.
"A-ah wala naman."
"Ganon ba? Sige."
Mabilis siyang umalis na para bang gustong gusto niya ng takasan ang presensya ako.
Habang naglalakad siya palayo, nadudurog naman yung puso ko. Nag iinit nanaman ang mga mata ko. Nagkakaroon nanaman ng bara ang lalamunan ko. Nasasaktan nanaman ako. Gusto ko nalang umuwi at magmukmok sa kwarto ko. Ayoko na dito. Dagat ianod mo nalang ako, please.
Ang laki ko kasing tanga. Bakit ba sa
dami ng pwede kong gustuhin yung hindi pa pwede? Bakit yung kapatid ko pa? Ang tanga diba?