ASTIG STORIES
4 stories
That Oinky Love Story by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 153,760
  • WpVote
    Votes 6,017
  • WpPart
    Parts 26
Don't judge a book by its title! Ang kwentong ito ay hindi kababuyan. Ito ay tungkol kay ELLA PANTI na mataba. Isang magic red lipstick ang ibibigay sa kanya ng isang fallen angel which turn her into sexy and beautiful lady...
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 214,161
  • WpVote
    Votes 4,946
  • WpPart
    Parts 25
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
ANG PROPISIYA [ON EDITING PROCESS ]  by iamONEj
iamONEj
  • WpView
    Reads 6,448
  • WpVote
    Votes 104
  • WpPart
    Parts 10
- MAKAKAYA MO KAYANG BURAHIN SA MUNDO ANG TAONG NI MINSAN DI MO NAGAWANG SAKTAN BAGKUS AY SAYA LANG ANG BINIGAY MO SA KANYA - LETS ALL BE PART OF THIS STORY :) [ VOTE SLASH COMMENT WILL BE AN INSPIRATION TO AN ORDINARY AUTHOR LIKE ME ;) *WINK*
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 714,991
  • WpVote
    Votes 12,654
  • WpPart
    Parts 27
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.