BESTFRIEND
MiSsYuriXOXO
BESTFRIEND siya yung taong nandyan para sayo.Yung kasabay ka sa kasiyahan o kalungkutan.Ang taong nasa likuran mo sa oras ng kagipitan, taong mahihingahan mo sa oras na may problema ka at feeling depress ka, at siya ang taong magpapalakas ng iyong loob at susuporta sa iyo kahit sa anong bagay.
Yung tanggap ka kahit ano ka at kahit ano meron ka, yung kahit anong mangyari nandiyan siya sa likod mo, siya rin yung taong hindi mag-aatubiling magsasabi sayo kung tama ba o mali na ang ginagawa mo , taong tutulong sayo na hindi mag-hihintay na ano mang kapalit, taong maiiyakan mo, taong masasabihan mo ng kahit anong sekreto mo, taong I maitetreasured mo habang ika'y nabubuhay, at kahit anong pag-subok ang dumating sayo nandiyan siya hindi ka niya iiwan.