🖤
2 stories
Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,479,494
  • WpVote
    Votes 32,537
  • WpPart
    Parts 39
"Kailangan lang palang makilala ko ang tamang babae para gustuhin kong lumagay sa tahimik. Mabuti na lang, nakilala kita." Brokenhearted si Almira nang makita niya si Brad sa pangalawang pagkakataon sa Las Vegas. Ang dating masayahin at laging may nakahandang charming smile na Brad Madrigal ay miserable naman sa pagkakataong iyon. Kailangang magpakasal ni Brad sa isang babaeng hindi nito mahal. That night, they found comfort in each other. Kinabukasan, nang magising si Almira ay naroon na siya sa hotel room ni Brad. Kapwa wala silang maalala sa mga nangyari kagabi pero alam nilang may namagitan sa kanila! Inakala ni Almira na hanggang doon na lang ang magiging koneksiyon niya sa binata. Pero dumating ang isang package mula sa Las Vegas. Ang laman-isang marriage contract... At silang dalawa ni Brad ang nakapirma. She was married to a famous and internationally awarded celebrity! PS: dahil published na ang story na ito kaya asahan na po ninyo na may mga eksena sa libro na wala dito sa wattpad. enjoy reading!
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 792,331
  • WpVote
    Votes 18,125
  • WpPart
    Parts 25
May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya. Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.